Makipagpulong sa mga kagawaran ng Lungsod tungkol sa inyong iminumungkahing negosyo ng cannabis

Makipagpulong sa mga kagawaran bago ipasuri ang mga plano, upang maiwasan ang mga antala sa panahon ng pagpapatayo.

Anong gagawin

1. Magpa-refer sa SF na Pagpaplano

Maaari ninyong ipasuri ang inyong mga plano upang malaman kung nakakatugon ang mga ito sa Kodigo sa Pagpaplano. Maaari kayong makatipid sa oras dito, bago ninyo pormal na isumite ang mga ito sa Planning Department.

2. Kumuha ng Titulo ng Paggamit ng Lupa

May itatalaga sa inyong tagaplano na gagabay sa inyo sa proseso ng Titulo ng Paggamit ng Lupa. Maaaring kasama rito ang pagdinig sa harap ng Planning Commission.

3. Maghandang mag-apply para sa mga permit ng gusali

Maaari kayong makipagpulong sa iba pang kagawaran ng Lungsod bago ipagawa ang inyong mga plano. Makakatipid kayo rito sa oras at salapi sa panahon ng pagsusuri at pagpapatayo ng plano. Magbabayad kayo ng mga gastos para sa pagkonsulta bawat oras.

Tutulangan kayo ng Department of Building Inspection na mag-navigate sa iba pang kagawaran na posible ninyong kailanganin. 

Iinspeksyunin ng Fire ang kapasidad, at mga sprinkler kung naaangkop.

Maaaring payuhan ng Department of Public Health ang mga negosyong magmamanupaktura, magtatanim, at magkakaroon ng mga lounge para sa retail na pagkonsumo. Libre ang unang oras ng konsultasyon para sa mga Equity Applicant.

Humingi ng tulong

Last updated June 30, 2022

Kagawaran