Mag-apply para sa isang grant para sa maliit ninyong negosyo para mabayaran ang utang ninyo sa upa dahil sa COVID-19

Sarado na ang grant na ito.

Anong gagawin

1. Alamin kung kwalipikado ang inyong negosyo

Ang inyong negosyo ay dapat na:

  • Mayroong mas mababa sa $2.5M na gross na kita noong 2020
  • Kasalukuyang nagpapatakbo sa San Francisco at pinaplanong manatili ng hindi bababa sa isang taon 
  • May di-bayad na upa na natipon simula Marso 2020 hanggang Setyembre 2021
  • Nabayaran ang lahat ng utang ninyong upa simula Oktubre 2021
  • Sa pangunahin ay hindi home o office-based
  • Hindi nakatanggap ng $25,000 o higit pa sa mga grant o pagpapatawad sa pautang mula sa OEWD simula Marso 2020
  • Pumayag dapat na dumalo sa isang webinar kung mapili
  • Pumayag dapat ang may-ari na palawigin ang panahon ng inyong pagbayad sa Setyembre 2024 sa pinakamaaga

Dapat ding matugunan ng inyong negosyo ang kahit 1 sa mga kinakailangang ito:

*Hinihikayat na mag-apply ang mga nonprofit kung natutugunan nila ang mga kwalipikasyon.

2. Mangtipon ng impormasyon tungkol sa inyong negosyo

Tatanungin namin kayo tungkol sa:

  • Inyong Account Number ng Negosyo (Business Account Number, BAN). Kung hindi ninyo alam, pwede ninyong hanapin ito
  • Ang inyong gross na mga resibo noong 2020
  • Halaga ng anumang grant mula sa OEWD nang magsimula ang COVID
  • Halaga ng utang ninyo sa upa simula Marso 2020 hanggang Setyembre 2021

3. Pagsama-samahin ang inyong kita sa pamilya

Laki ng pamilya: Tatanungin namin kung ilan kayo sa pamilya. Ang pamilya ay tumutukoy sa iisang tao o grupo ng mga taong magkakasama sa isang tirahan, anuman ang kanilang aktwal o kinikilalang sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian, o katayuan sa pag-aasawa.

Kinikita ng pamilya: Tatanungin din namin kayo tungkol sa kinikita ng lahat ng matanda sa inyong pamilya. Gamitin ang inyong 2020 na tax return kung naghain kayo o tantiyahin ninyo ang inyong kabuuang kita para sa huling 12 buwan.

4. Mag-apply

Sarado na ang grant na ito.

5. Ano ang aasahan pagkatapos ninyong mag-apply

Magpadala kami sa inyo ng email ng kumpirmasyon.

Papadalhan namin kayo ng email sa Abril 22, 2022 para ipaalam sa inyo ang status ng inyong aplikasyon.

Ang mga negosyong matatanggap sa program ay magkakaroon ng 60 araw para dumalo sa isang pang-edukasyong webinar at magkumpleto ng isang Kasunduan sa Program na nilagdaan ng may-ari kung kanino may utang sila na upa.

Kung paano pipiliin ang mga aplikasyon

Kung paano pipiliin ang mga aplikasyon

Bibigyang priyoridad ang mga aplikasyon batay sa halaga ng pondo na natanggap na ninyo mula sa OEWD, kung gaano katagal napilitang magsara ng inyong negosyo dahil sa COVID, ang kinikita ng inyong sambahayan, kung matatagpuan kayo sa isang priyoridad na neighborhood, kung gaano karaming tao ang pinapagtrabaho ng inyong negosyo, kung gaano katagal na kayong nagpapatakbo, at kung gaano kalaki ang utang ninyo sa upa kumpara sa upa ninyo.

Humingi ng tulong

Phone

Renaissance Entrepreneurship Center

Martes at Huwebes 2-4 PM
o sa pamamagitan ng appointment: bayview@rencenter.org

North East Community Federal Credit Union (Chinese)

Lunes hanggang Biyernes 9 AM - 4 PM

Mission Economic Development Agency (Spanish)

Lunes hanggang Biyernes 9 AM - 12 PM

Impormasyon sa Libreng Legal na Sanggunian at Moratoriyum sa Komersyal na Eviction

Last updated September 9, 2022