PAHINA NG IMPORMASYON

Mga paraan sa pagboto

Maaari ninyong piliing bumoto sa pamamagitan ng koreo o nang personal.

Sa pamamagitan ng koreo

Nagsisimula kaming magpadala ng mga pakete ng balota sa lahat ng mga botante ng Lungsod mga isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon. Sa panahong iyon, binubuksan din namin ang portal para sa aksesibleng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa lahat ng lokal na botante. Mabibilang lang namin ang inyong balota kung ibabalik ninyo ito nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon.

Nang personal

Binubuksan namin ang Sentro ng Botohan sa City Hall sa lahat ng lokal na botante 29 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Sa mismong Araw ng Elekson, bukas para sa pagboto ang parehong Sentro ng Botohan at lahat ng lugar ng botohan.

Humiling ng paghatid at pagkuha ng balota

Maaari ninyong pahintulutan ang ibang tao na kumuha ng balota para sa inyo. Para gawin ito, ipadala ninyo sa kanila ang isang form ng Awtorisasyon para sa Pagkuha ng Balota sa Sentro ng Botohan sa City Hall.

Ang sinumang botante na hindi makaboto sa pamamagitan ng koreo o nang personal dahil sila ay naospital o kaya naman ay hindi makapunta nang personal sa isang lugar ng botohan, ay maaaring humiling ng mga serbisyo sa paghatid o pagkuha ng balota. Para hilingin ang serbisyong ito, tumawag sa 415-554-4310 o mag-email sa amin.

Kumuha ng tulong sa pagmarka sa inyong balota

Maaari kayong humingi ng tulong sa manggagawa sa botohan sa pagmarka sa inyong balota. Maaari rin kayong magsama ng 1 o 2 tao (na hindi ninyo tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon) para tulungan kayo. Tandaan, walang ibang dapat na gumawa ng desisyon sa pagboto para sa inyo.

Mga opsiyon sa pagboto pagkatapos ng deadline para sa pagpaparehistro

Upang makatanggap ng balota sa pamamagitan ng koreo, kailangang nakarehistro kayo nang hindi bababa sa 15 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Kung hindi ninyo naabutan ang deadline at nais ninyong bumoto, maaari pa rin ninyong gawin ito nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall o sa isang lugar ng botohan. Alamin ang higit pa tungkol sa pagpaparehistro at pagboto sa parehong araw.