I-update ang inyong rehistrasyon bilang botante

Gumawa ng mga pagbabago sa impormasyon sa inyong rekord ng rehistrasyon bilang botante.

I-update ang inyong rehistrasyon kapag may nagbagong impormasyon

Para sa ilang pagbabago, maaari kayong tumawag, mag-email, o kumompleto ng online form. Para sa ibang pagbabago, kailangan ninyong muling magparehistro para makaboto. Gamitin ang update tool na ito para malaman kung ano ang inyong susunod na kailangang gawin.

 

Kumuha ng patunay ng rehistrasyon

Papadalhan namin kayo sa koreo ng Voter Notification Card o Kard ng Notipikasyon para sa Botante sa loob ng 2 linggo matapos kayong magparehistrong bumoto o mag-update ng inyong rehistrasyon. Maaari din ninyong i-check online ang katayuan ng inyong rehistrasyon bilang botante.

Para humiling ng bagong Kard ng Notipikasyon para sa Botante, makipag-ugnayan lamang sa amin. Puwede rin kayong makakuha ng Sertipiko ng Rehistrasyon sa halagang $1.50 mula sa aming opisina sa City Hall.

 

Kanselahin ang inyong rehistrasyon kapag lumipat kayo sa labas ng San Francisco

Gamitin ang Form para Kanselahin ang Rehistrasyon para ipawalang bisa ang inyong rehistrasyon bilang botante. Kung lilipat kayo sa loob ng California, maaari kayong magparehistro para bumoto sa inyong bagong county. Kung lilipat kayo sa labas ng California, kontakin lamang ang bago ninyong opisyal sa eleksyon para magparehistro para makaboto.

Ipaalam sa amin ang tungkol sa katayuan ng ibang botante

Gamitin ang Form ng Notipikasyon mula sa Ikatlong Partido para ipaalam sa amin kung nagpapadala kami ng materyales na pang-eleksyon sa koreo para sa botante na hindi na nakatira sa inyong address.

Gamitin ang Form ng Notipikasyon Tungkol sa Pumanaw na Botante para ipaalam sa amin ang pagpanaw ng isang botante.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated February 21, 2024