Maglaan ng entertainment o malakas na sound sa isang outdoor na lugar

Mag-aplay para sa isang Just Add Music (JAM) na permit para sa Shared Spaces at iba pang outdoor na mga lokasyon.

Anong gagawin

1. Tingnan ang mga patakaran namin

Kahit inalis na noong 6/15/21 ang karamihan sa mga patakaran sa pandemic, ipinapatupad pa rin ang ilang patakaran. Dapat sundin ng lahat ng nasa outdoor na lokasyon ang kahit anong lokal o pang estadong mga gabay para sa kalusugan kapag angkop. Narito ang mga pinakabagong update (hindi kumpletong listahan):

  • Lahat ay dapat magpabakuna laban sa COVID-19 kung kuwalipikado.
  • Kahit inalis na ang mga restriksyon sa pagbabawas ng kapasidad, ang orihinal na mga kahilingan sa dami ng mag-ookupa sa lokasyon ay dapat sundin.
  • Mabisa 8/3/21, ang bawat isa ay dapat na magsuot ng mask sa loob ng mga pampublikong lugar, kahit na nabakunahan sila. Mahigpit na hinihimok ng Lungsod ang mga indibidwal na magsuot ng mga maskara kapag sila ay nasa masikip na mga panlabas na puwang, tulad ng mga parada, peryahan at mga panlabas na konsyerto, at mga pangyayaring pampalakasan. Alamin ang higit pa tungkol sa mga mask.
  • Hindi na kailangan ng pisikal na distansya para sa mga dadalo, customer, o mga bisita.
  • Bilang may-ari ng negosyo, puwede kang magpatupad ng mas mahigpit na mga kahilingan kaysa sa Lungsod o estado pagdating sa pagma-mask, kapasidad, at iba pa.
  • Ang Malalaking Outdoor Event (na mahigit 10,000 katao) ay kailangang mag-submit ng health plan (tingnan ang p. 11) sa SF Dept. of Public Health 10 araw o higit pa bago ang pagdiriwang, pero hindi na kailangang maghintay ng approval. Mahigpit na inererekomenda ang katunayan ng kumpletong bakuna o negatibong resulta ng test sa COVID-19.
  • Kailangang Signage: Lahat ng negosyong SF ay dapat mag-post ng signage tungkol sa pag-iwas sa COVID-19 at pagpapabakuna.
  • Katunayan ng Pagpapabakuna o Negatibong Test sa COVID-19:
    • Maaaring hilingan ng mga negosyo o operator ng venue ang mga dadalo, customer, o mga bisita na magpakita ng katunayan ng kumpletong bakuna o negatibong resulta ng test bago papasukin.
    • Maaaring gumamit ng self-attestation (pagpapatunay sa sarili) ang mga negosyo o operator ng venue sa panahon ng pagpaparehistro, pagbili ng ticket, o sa araw ng pagdiriwang bago pumasok.

Mga patakaran para sa malakas na sound

  • Puwede mong gawin iyon hanggang 6 na oras bawat araw, kasama na ang soundcheck. Tingnan ang mga eksepsyon sa ibaba. Ang isang request para sa malakas na sound na gagawin ng maraming araw sa loob ng isang linggo ay maaaring hindi aprubahan o limitahan pagkatapos ilabas ang permit dahil sa maraming konsiderasyon kasama na ang dami ng kasalukuyang mga permit, mga sensitive receptor sa paligid, at mga naunang reklamo.
  • Hindi ka maaaring magpatunog ng outdoor sound equipment bago ang 9 am o pagkalipas ng 10 pm. Tingnan ang mga eksepsyon sa ibaba.
  • Kailangan mong sundin ang inaprubahang limit para sa sound.

Paghiling ng eksepsyon: Sa ilang pagkakataon para sa pansamantalang pagdiriwang, maaaring magbigay ng mga eksepsyon ang Entertainment Commission sa bilang ng mga oras at dami ng araw o gabi. Maaaring kailanganin ang isang pagdinig. Sa aplikasyon mo, ipaliwanag kung bakit gusto mong bigyan ka ng eksepsyon at kung paanong nagsasagawa ka ng makabuluhang pagtulong sa kahit sinong apektadong residente at mga negosyo

Mga patakaran sa accessibility

Humingi ng tulong

Entertainment Commission

49 South Van Ness Suite 1482
San Francisco, CA 94103
View location on google maps

Ang mga staff ay kasalukuyang nagtatrabaho nang naka-remote

Phone

Last updated June 30, 2022