Mga Karapatan ng Hindi-Mamamayan sa Pagboto sa mga Lokal na Eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon

Pinahihintulutan ng kasalukuyang lokal na batas ang ilang mga hindi-mamamayan na bumoto sa mga eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon (Lupon ng mga Paaralan) ng San Francisco.

Anong gagawin

Pinahihintulutan ng kasalukuyang lokal na batas ang ilang mga hindi-mamamayan na bumoto sa mga eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan ng San Francisco. Hindi pinapayagan ng batas na ito ang mga indibiduwal na bumoto sa anumang iba pang panlokal, pang-estado, o pampederal na eleksyon

Kumuha ng liham ng beripikasyon: Maaaring magbigay, kapag hiniling ng botante, ang Departamento ng mga Eleksyon ng isang liham na a) naglilista ng pamantayang itinakda sa Charter §13.111(a)(1) para sa pagboto ng mga hindi-mamamayan ng Estados Unidos sa mga lokal na eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon, at b) nagpapatunay na ang isang tao ay bumoto sa isang espisipikong eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon. Maaaring hilingin ng isang botante ang liham na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon. Maaaring makatulong ang liham na ito kung nagbabalak kayong mag-apply para sa naturalisasyon.

I-check kung kayo ay elihible

Para magparehistro bilang isang botanteng hindi-mamamayan sa susunod na eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon (Lupon ng mga Paaralan), kailangang kayo ay ang lahat ng mga sumusunod:

  1.  Isang residente ng San Francisco na balak manatiling ganoon hanggang sa susunod na eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon;
  2. Magulang, legal na tagapatnubay, o tagapangalaga* ng isang bata na nakatira sa San Francisco;
  3. Hindi bababa sa edad 18 taong gulang sa Araw ng Eleksyon (ang susunod na petsang iyon ay sa Nobyembre 5, 2024); at
  4. Hindi diniskwalipika mula sa pagboto sa ilalim ng batas ng estado dahil sa pagkakakulong o kawalan ng sapat na kakayahan ng pag-iisip.

*Ang tagapangalaga ay isang taong pumupirma sa affidavit para i-enroll ang isang menor de edad sa paaralan at pumapayag sa mga pangangalagang medikal na may kaugnayan sa paaralan sa ngalan ng menor de edad. Tinutukoy ito ng batas ng estado, sa CA Family Code §6550-6552.

Magparehistro

Itinatakda ng lokal na batas na magparehistro ang lahat ng mga botanteng hindi-mamamayan para sa mga eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon gamit ang isang bayad na ang selyong form para sa pagpaparehistro ng NCV. Makukuha rin ang form na ito sa tanggapan ng Departamento. Ang mga kinumpletong mga form ng rehistrasyon ng mga hindi-mamamayan ay kailangang maibalik sa pamamagitan ng koreo o nang personal. Kailangang kumumpleto ng sinumang botanteng hindi-mamamayan ng isang bagong form para sa pagpaparehistro ng NCV para sa bawat eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon. 

Hindi maaaring gamitin ng mga botanteng hindi-mamamayan ang form ng estado para sa pagpaparehistro bilang botante o magparehistro sa mga tanggapan ng estado (hal., Departamento ng mga Sasakyang De-Motor). 

Mawawalan ng bisa ang rehistrasyon ng sinumang botanteng hindi-mamamayan pagkatapos ng bawat eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon. Maaaring kanselahin ng mga nagparehistrong hindi-mamamayan ang kanilang rehistrasyon bilang botante anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon o sa pamamagitan ng pagbalik ng isang form para sa kanselasyon ng rehistrasyon bilang NCV

MAHALAGANG ABISO PARA SA MGA HINDI MAMAMAYAN NG ESTADOS UNIDOS: Posibleng makuha ng Immigration and Customs Enforcement (Tagapagpatupad ng Batas ukol sa Imigrasyon at Adwana, ICE) at iba pang ahensiya, organisasyon, at indibidwal ang anumang impormasyong ibibigay ninyo sa Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) kasama na ang inyong pangalan at address. Bukod rito, kapag nag-aplay kayo para sa naturalisasyon o pagka-mamamayan, tatanungin kayo kung nakapagrehistro o nakaboto na kayo sa pederal, pang-estado o lokal na eleksyon sa Estados Unidos. Baka gusto ninyong kumonsulta sa abugado sa imigrasyon, organisasyong nagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng migrante, o iba pang mapagkukunan ng kaalaman bago kayo magbigay ng anumang personal na impormasyon sa Department of Elections at bago kayo magparehistro para bumoto sa Eleksyon ng Board of Education (Lupon ng Edukasyon) ng San Francisco. Makikita ninyo ang listahan ng mga organisasyong nonprofit na may espesyalisasyon sa pagprotekta sa mga karapatan ng migrante sa sfelections.org. Tingnan ang mga isinaling bersyon ng abisong ito.

Mag-log in sa Portal ng Impormasyon para sa Botanteng Hindi-Mamamayan

Maaaring kumpirmahin ng mga botanteng hindi-mamamayan ang kanilang impormasyon sa rehistrasyon, i-check ang kalagayan ng kanilang mga balota, at hanapin ang kanilang nakatalagang lugar ng botohan sa pamamagitan ng pag-log-in sa Portal ng Impormasyon para sa Botanteng Hindi-Mamamayan o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Departamento.

Mga paraan sa pagboto

Ang mga botanteng hindi-mamamayan ay mayroong parehong mga opsiyon sa pagboto na gaya ng sa ibang mga lokal na botante. Ang mga opsiyon na ito ay kinabibilangan ng: pagboto sa pamamagitan ng koreo, pagboto nang personal, o pagboto gamit ang aksesibleng sistemang vote-by-mail.

Hanapin ang inyong lugar ng botohan

Maaaring makipag-ugnayan ang sinumang botante sa Departamento ng mga Eleksyon, gumamit ng Tool para Tingnan ang Panahon ng Paghihintay sa Lugar ng Botohan, o suriin ang likod na pabalat ng kanilang Booklet ng Impormasyon para sa Botante para hanapin ang kanilang nakatalagang lugar ng botohan.

Mag-check in sa mga botohan

Ang prosesong ito ay katulad ng proseso para sa mga botanteng mamamayan, na ang ibig sabihin ay kakailanganin ng mga botanteng hindi-mamamayan na pumirma sa listahan ng mga botante para makatanggap ng isang balota. Ang lahat ng mga botante, kabilang na ang mga hindi-mamamayan, ay may karapatang bumoto ng isang lihim na balota.

Higit pang impormasyon

Higit pang impormasyon

Mga balota at iba pang mga materyales para sa hindi-mamamayan

Para sa bawat eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon, lilikha ang Departamento ng mga Eleksyon ng isang form para sa pagpaparehistro, isang opisyal na balota, isang Booklet ng Impormasyon para sa Botante, at maraming mga materyales sa outreach na espesipiko para sa mga botanteng hindi-mamamayan. Ang lahat ng mga materyales na ito ay multi-lingguwal at nasa maraming format. Bukod pa rito, nagmimintena ang Departamento ng hiwalay na listahan ng mga botante para sa mga botanteng hindi-mamamayan.

Mga labanan sa balota para sa mga botanteng hindi-mamamayan

Maaari lamang kayong bumoto sa mga labanan para sa Lupon ng Edukasyon.

Mga batang hindi nag-aaral sa isang paaralan sa SFUSD

Kayo at ang inyong mga anak ay kailangang nakatira sa San Francisco, ngunit hindi kailangan na nag-aaral ang inyong mga anak sa mga paaralan sa SFUSD. Kung nag-aaral sa isang pribadong paaralan ang inyong anak, o masyadong bata pa para mag-aral, maaari kayong bumoto sa mga eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon.

Mga hindi-mamamayang nakatira sa labas ng San Francisco

Kayo at ang inyong anak ay kailangang parehong nakatira sa San Francisco para maging elihible para bumoto sa mga eleksyon para sa lokal na Lupon ng Edukasyon.

Pagiging kumpidensyal ng mga rehistrasyon ng hindi-mamamayan at mga tala ng pagboto

Ayon sa batas ng estado, kailangang ibigay ng Departamento ng mga Eleksyon ang ilan sa mga impormasyong ito sa ilalim ng ilang mga kalagayan. (Mangyaring tingnan ang pahina ng Estado para sa paksang ito.)

Espesyal na mga kaso

Epekto sa Aplikasyon para sa Naturalisasyon o Pagka-mamamayan

Epekto sa Aplikasyon para sa Naturalisasyon o Pagka-mamamayan

Sa Bahagi 9 ng pinakabagong bersyon ng form N-400, “Application for Naturalization”, tinatanong ang mga aplikante kung nakapagrehistro na sila para bumoto sa anumang Pampederal, pang-estado, o panlokal na eleksyon sa Estados Unidos. Ang mga aplikanteng bumoto lamang sa isang lokal na eleksyon kung saan elihibleng bumoto ang mga hindi-mamamayan, gaya ng mga eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon sa San Francisco simula noong 2018, ay maaaring sumagot ng “Hindi” sa tanong na ito. 

Ang mga hindi-mamamayan na naghahanap ng payo tungkol sa proseso ng naturalisasyon, kabilang na sa mga tanong kaugnay sa pagboto, ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa isang abogado o organisasyong may espesyalisasyon sa mga paksa na may kaugnayan sa imigrasyon bago magsumite ng anumang deklarasyon.

Mga materyales sa outreach

Mga materyales sa outreach

Kasaysayan ng pagboto ng hindi-mamamayan sa San Francisco

Kasaysayan ng pagboto ng hindi-mamamayan sa San Francisco

Noong Hulyo 2016, bumoto ang Lupon ng mga Superbisor na ilagay ang Proposisyon N sa balota at noong Nobyembre 2016, ipinasa ng mga botante ng San Francisco ang Proposisyon N na may limampu’t apat na porsyentong pag-apruba.

Noong Mayo 2018, ipinasa ng Lupon ng mga Superbisor ang Ordinansa Blg. 128-18 na nag-aatas sa Departamento ng mga Eleksyon na ipatupad ang Proposisyon N sa maraming espesipikong mga paraan. Noong Oktubre 2021, ipinasa ng Lupon ng mga Superbisor ang Ordinansa Blg. 206-21, na ginawang permanente ang Proposisyon N at naglilinaw na sakop nito ang mga eleksyon para sa recall ng Lupon ng Edukasyon. 

Noong Hulyo 2022, pinasiyahan ng isang hukom ng lokal na Korte Superyor na labag sa saligang batas ang Prop N. Gayunpaman, kalaunan nang taon ding iyon, pinasiyahan ng isang Korte sa Pag-Apela sa California na sa katunayan, pinahihintulutan ang Prop N sa ilalim ng saligang batas ng estado at ng City Charter. 

Noong Agosto 8, 2023, pinagtibay ng isang Korte sa Pag-Apela sa California ang programa para sa pagboto ng hindi-mamamayan sa San Francisco. Pinahihintulutan ng desisyong ito ang mga hindi-mamamayang magulang ng mga batang nakatira sa San Francisco na patuloy na bumoto sa mga Eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon sa San Francisco.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated September 25, 2024