LOKASYON

Sentro ng Botohan sa City Hall

Mapa ng Sentro ng Botohan sa City Hall
Stations to get a ballot at the City Hall Voting Center
The City Hall Voting Center1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Contact at oras

Maaari kayong bumoto o maghulog ng inyong balota sa Sentro ng Botohan sa City Hall 29 na araw bago ang Araw ng Eleksyon.  

Mga Oras

  • Lunes hanggang Biyernes: mula 8 am hanggang 5 pm  
  • 2 Sabado at Linggo bago ang Araw ng Eleksyon: mula 10 am hanggang 4 pm
  • Araw ng Eleksyon: mula 7 am hanggang 8 pm

Lokasyon

Matatagpuan ang Sentro ng Botohan sa unang palapag ng City Hall.

Tuwing Lunes hanggang Biyernes, maaari kayong pumasok sa alinman sa mga sumusunod na pasukan ng gusali:

  • Grove Street (aksesible ang pasukan)
  • Dr. Carlton B. Goodlett Place (Polk Street)
  • McAllister Street (aksesible ang pasukan)
  • Van Ness Avenue (aksesible ang pasukan)

Tuwing Sabado at Linggo naman, maaari kayong pumasok mula sa Grove Street.

Mayroong mga aksesibleng elevator sa bawat palapag.

Pagpunta dito

Matatagpuan ang mga aksesibleng paradahan sa kanto ng McAllister Street at Polk Street.

Mayroon ding paradahan para sa mga bisikleta sa pinakamalalapit na bangketa.

Ang pinakamalapit na estasyon para sa MUNI at BART ay ang estasyon ng Civic Center. 

Mga ahensyang kasosyo

Makipag-ugnayan sa amin

Address

The City Hall Voting Center1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
San Francisco, CA 94102