Umaasa kami sa komunidad na magbigay ng mga pasilidad upang magsilbing mga lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon. Kung mayroon kayong aksesible na espasyo tulad ng garahe o lobby, maaari naming magamit ito bilang isang lugar ng botohan sa susunod na eleksyon. Ang pagho-host ng isang lugar ng botohan ay isang mahusay na paraan upang maglingkod sa inyong komunidad at makilala ang inyong mga kapitbahay!
Mag-apply bilang host ng isang lugar ng botohan o tawagan kami sa 415-554-4551.
Pag-survey sa pagka-aksesible ng lugar
Pagkatapos ninyong mag-apply bilang host ng lugar ng botohan, mag-iiskedyul kami ng appointment para sa survey ng inyong pasilidad. Kung aksesible at maluwag ang inyong lugar, idaragdag kayo ng aming kawani sa listahan ng mga host ng lugar ng botohan. Ipapaliwanag din namin ang inyong mga tungkulin bilang isang host. Manood ng maikling video para matutunan ang tungkol sa pag-susurvey sa pagka-aksesible ng lugar.
Profile ng host ng lugar ng botohan
Kapag naging host kayo, maaari na kayong mag-log in sa inyong profile ng lugar ng botohan. Makikita rito ang pangkalahatang-ideya ng kung anu-ano ang aasahan bago, habang, at pagkatapos ng Araw ng Eleksyon. Halimbawa, lalabas sa inyong profile ng lugar ng botohan kung kailan kami maghahatid ng kagamitan sa inyong lugar. Ipapakita rin nito ang pangkat ng mga manggagawa sa botohan na nakatalaga sa inyong lugar.
Opsiyon na magsilbi bilang manggagawa sa botohan
Bilang isang host, maaari din kayong mag-apply na magsilbi bilang isang manggagawa sa botohan sa inyong lugar. Ang mga manggagawa sa botohan ay nakakakuha ng bayad sa pagitan ng $225 at $295, na maaari ninyong kitain bukod pa sa inyong nakuhang bayad para sa pagho-host ng isang lugar ng botohan.
Humingi ng tulong
Department of Elections
1 Dr. Carlton B. Goodlett PlaceCity Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102
Phone
Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386
中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310
Last updated April 19, 2023