Mga programa para sa mga estudyanteng high school

Wala pa sa wastong gulang para makaboto? Puwede pa rin kayong makilahok sa mga eleksyon!

Magsilbi bilang manggagawa sa botohan

Kung kayo ay hindi bababa sa edad 16 taong gulang sa susunod na Araw ng Eleksyon, maaari kayong mag-apply upang maglingkod bilang isang manggagawa sa botohan. Ang paglilingkod bilang manggagawa sa botohan ay magandang tignan sa aplikasyon para sa kolehiyo o resume. Makatatanggap din kayo ng bayad na aabot sa $245. Para mag-apply, kumpletuhin ang High School Poll Worker Application.

Programa para sa Internship

Kung kayo ay estudyante sa isang high school sa San Francisco, maaari kayong mag-apply para magsilbi bilang isang intern sa eleksyon. Naglilingkod ang mga intern sa buwan ng Abril o ng Setyembre, at tumatanggap ng bayad na aabot hanggang $550. Sinasanay muna namin ang lahat ng mga intern. Pagkatapos ng pagsasanay, gumagawa at nagpapatupad ang bawat intern ng isang outreach plan upang makatulong sa pagpaparehistro ng mga tao para bumoto. Sarado na ang panahon ng aplikasyon para sa internship sa taglagas. Bumalik muli sa Disyembre para sa internship sa tagsibol.

Paunang pagpaparehistro ng botante

Kung kayo ay 16 o 17 taong gulang, maaari ninyong kompletuhin ang isang papel o online na form ng pagpaparehistro ng botante ngayon. Sa inyong ika-18 na kaarawan, gagawin naming aktibo ang rekord ninyo bilang botante at papadalhan namin kayo ng liham ng kumpirmasyon. Pagkatapos ng inyong kaarawan, magsisimula rin kaming magpadala sa inyo ng mga opisyal na materyales pang-eleksyon.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated November 1, 2023