Ma-verify na Equity Applicant

Dapat ma-verify ang mga Equity Applicant ng Office of Cannabis bago mag-apply para sa isang permit ng negosyo ng cannabis.

Anong gagawin

1. Alamin kung natutugunan ninyo ang pamantayan sa pagiging kwalipikado

Dapat kayong magkaroon ng mga asset ng sambahayan na mas mababa sa partikular na antas. Halimbawa, kung mayroon kayong 3 tao sa inyong sambahayan, hindi kayo maaaring magkaroon ng higit sa $249,000 sa anumang savings, checking, o investment account. Tingnan ang mga detalye tungkol sa mga kinakailangan sa asset ng sambahayan.

Sa pangkalahatan, dapat ninyong matugunan ang hindi bababa sa 3 sa mga kundisyong ito:

  • Inaresto dahil sa mga krimeng nauugnay sa cannabis, kasama iyong noong bata kayo
  • May malapit na kamag-anak na inaresto dahil sa mga krimeng nauugnay sa cannabis, kasama iyong noong bata siya
  • Nawalan ng pabahay sa San Francisco sa pamamagitan ng pagpapaalis, pagkakaremata o pagkansela ng tulong
  • Pumasok sa paaralan sa San Francisco Unified School District sa loob ng 5 taon
  • Tumira sa mga tract ng census ng San Francisco sa loob ng 5 taon, kung saan hindi bababa sa 17% ng mga sambahayan ang nasa o mas mababa sa pederal na antas ng kahirapan
    Tingnan ang map
  • Mayroong kita ng sambahayan na mas mababa sa 80% ng AMI sa San Francisco noong 2018

Ang mga sumusunod ang 80% na AMI batay sa laki ng sambahayan noong 2018:

  • Para sa 1 tao, $66,300
  • Para sa 2 tao, $75,750
  • Para sa 3 tao, $85,250
  • Para sa 4 na tao, $94,700
  • Para sa 5 tao, $102,300
  • Para sa 6 na tao, $109,900
  • Para sa 7 tao, $117,450
  • Para sa 8 tao, $125,050
  • Para sa 9 na tao, $132,600

2. Likumin ang inyong mga dokumento

Kakailanganin ninyong magkaroon ng patunay ng mga asset ng sambahayan, utang ng sambahayan, at kung paano ninyo natutugunan ang mga kundisyon sa equity.

Maaari kayong mag-upload ng mga larawan ng mga dokumento. Kung mag-a-upload kayo ng mga larawan, tiyaking malinaw ang mga larawan para mabasa namin ito.

Maaari ninyo ring personal na ibigay sa Office of Cannabis ang inyong mga dokumento.

3. Ma-verify na Equity Applicant

Susuriin namin ang mga dokumentong isusumite ninyo.

Pagkatapos ninyong ma-verify

  1. Ipapadala namin sa inyo ang inyong natatanging numero ng ID ng Equity Applicant.
  2. Tukuyin kung anong porsyento ng pagmamay-ari at tungkulin ang layunin ninyong hawakan.
  3. Makakuha ng libreng legal na tulong mula sa Cannabis Law Committee ng Bar Association of San Francisco, kung gusto ninyo. Hilingin sa Office of Cannabis na matugma.
  4. Makipagtulungan sa isang incubator na negosyo kung gusto ninyo. Tingnan ang listahan ng Mga Equity Incubator at kung anong uri ng suporta ang iniaalok nila.
  5. Tingnan kung ano ang kailangan ninyong gawin kapag nag-a-apply para sa isang permit ng negosyo ng cannabis.
  6. Papadalhan namin kayo ng link para sa bahagi 1 ng aplikasyon sa permit. Kakailanganin ninyong gamitin ang inyong natatanging numero ng ID ng Equity Applicant para mag-apply.
  7. Mag-apply para sa Permit ng Negosyo ng Cannabis, Bahagi 1.

Humingi ng tulong

Last updated June 30, 2022

Kagawaran