SERBISYO

Kumuha ng pagsasanay at sertipikasyon sa tingga

Ang Fix Lead SF, na isang Programa ng Lungsod, ang magbabayad ng gastos kapag nagtrabaho kayo sa mga proyekto nito upang mabawasan ang mga panganib ng tingga sa pintura at lupa.

Ano ang dapat malaman

Mga uri ng sertipikasyon sa tingga

  • Inspektor
    • ​​​​​​​California Department of Public Health bilang lead-certified Inspector​​​​​​​​​​​​​​​​​​​​​​​​​​​​
  • Kontratista (kailangan ang pareho sa sumusunod)
    • Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California bilang isang Superbisor na may sertipikasyon sa tingga
    • Environmental Protection Agency bilang isang kumpanyang may sertipikasyon sa tingga

Walang gastos kapag kayo ay mayroong:

  • Mga Sertipikadong Inspektor
    • Nakakumpleto ng isang Fix Lead SF project na na-assign sa iyo​​​​​​​
  • Mga Sertipikadong Kontratista
    •  Tinanggap ang iyong unang proyekto o pagkatapos mong magsumite ng tatlong bid para sa proyekto

 

Ano ang gagawin

Ano ang dapat gawin

  1. Alamin ang tungkol sa proseso ng pagkakaroon ng sertipikasyon ng California Department of Public Health (CDPH).

 

  1. Mga Kontratista, maaaring Environmental Protection Agency (EPA) certified firm na kayo. Kung hindi, alamin kung paano maging certified firm.

 

  1. Alamin ang tungkol sa iba pang kinakailangan para makipagtrabaho sa Fix Lead SF.

 

  1. Sundin ang mga hakbang na ibinalangkas ng CDPH at EPA at kunin ang inyong mga sertipikasyon. I-save ang mga resibo mula sa mga kurso sa pagsasanay, pagpaparehistro sa pagsusulit, at aplikasyon para sa sertipiko.

 

  1. Magpadala ng kopya ng iyong mga resibo, sertipikasyon, pangalan ng kompanya, at iyong address sa Fix Lead SF. Siguraduhing may pangalan ng vendor ang mga resibo at may date ng pagbabayad mo. Puwede mong ipadala ang mga dokumento sa pamamagitan ng email sa fixleadsf@sfdph.org.

 

  1. Mag-register para makipagtrabaho sa Fix Lead SF.

 

Humingi ng tulong

Telepono

Karagdagang impormasyon

Fix Lead SF