Anong gagawin
1. Magpasya kung makakapag-apply kayo
Kailangan ninyong matapatan ang mga iniaalok na presyo sa market para sa mga bahay na ito.
Ang halaga na puwede ninyong hiramin ay nakadepende sa kung magkano ang inyong kailangan at kung magkano ang aming pondo.
Mas mababa dapat sa isang partikular na halaga ang kinikita ng inyong sambahayan. Nakadepende ang maximum na halaga sa bilang ng tao sa inyong sambahayan:
- Para sa 1 tao, $138,700
- Para sa 2 tao, $158,500
- Para sa 3 tao, $178,300
- Para sa 4 tao, $198,150
- Para sa 5 tao, $214,000
- Para sa 6 tao, $229,800
- Para sa 7 tao, $245,650
- Para sa 8 tao, $261,550
- Para sa 9 tao, $277,350
Bago kayo makapag-apply, kailangan ninyong sumailalim sa edukasyon para sa bibili ng bahay at kumuha ng liham na paunang pag-apruba sa pautang sa mortgage mula sa isang aprubadong tagapag-pautang.
2. Mag-apply para sa mga listing
First come, first served ang mga aplikasyon sa City Second program.
Kaya dapat ninyong bayaran ang "tatapatang iniaalok na presyo" na ipinapakita sa bawat listing. Puwede ninyong gamitin ang pautang ng City Second para punan ang kakulangan sa pagitan ng kaya ninyong bayaran at sa hinihinging presyo ng nagbebenta.
Dapat kayong magsumite ng aplikasyon bago ang deadline na ipinapakita sa mga tagubilin.
Pagkatapos ninyong mag-apply
- Kung aaprubahan namin ang inyong aplikasyon, dadalhin ninyo ang aming liham na pag-apruba sa inyong realtor.
- Magbibigay ang inyong realtor ng alok na pagbili sa nagbebenta.
- Pipirmahan ninyo ng nagbebenta ang alok na pagbili. Pagkatapos ay isa na itong pinagtibay na kasunduan sa pagbili.
- Dadalhin ninyo sa inyong tagapag-pautang ang pinagtibay na kasunduan sa pagbili. Magpapadala sa amin ng papeles ang inyong tagapag-pautang sa loob ng 30 araw.
- Kakailanganin ninyong bigyan ang inyong tagapag-pautang ng mas maraming papeles, kabilang ang hindi naibabalik na bayarin sa pagpoproseso. Babayaran lang ninyo ang bayarin kapag nakuha na ninyo ang inyong pinagtibay na katibayan sa pagbili.
Pagbebenta ng inyong bahay
Mabebenta ninyo ang inyong City Second na bahay sa mga presyo sa market. Ipaalam sa amin kapag ibebenta ninyo ang inyong bahay. Makakapagtalaga ang Lungsod ng bibili na tutugma sa una ninyong alok.
Humingi ng tulong
Makatanggap ng mga alerto sa email para sa mga bagong listing
Last updated November 21, 2022