PAHINA NG IMPORMASYON

Pag-obserba sa eleksyon

Inaanyayahan ang mga miyembro ng publiko na obserbahan ang mga proseso sa eleksyon.

Kami ay nagtatrabaho sa bukas at malinaw na paraan, na tinatanggap ang pag-obserba at puna ng publiko. Maaari kaming panoorin ng sinuman habang isinasagawa ang mga gawain sa eleksyon. Para tingnan kung ano ang aming mga ginagawa at kung kailan, tingnan ang Kalendaryo ng mga Naoobserbang Gawain. (Makikita ang kalendaryo humigit-kumulang dawalang buwan bago ang susunod na eleksyon.)

Maraming mga paraan para maobserbahan ang mga proseso ng eleksyon:

  • Maaari ninyong mapanood ang maraming mga gawain sa pamamagitan ng aming mga live stream.
  • Maaari ninyong obserbahan ang aming mga gawain sa aming tanggapan sa City Hall at sa warehouse sa Pier 31.
  • Maaari kayong sumali sa aming opisyal na panel ng mga taga-obserba ng eleksyon.
  • Maaari ninyong panoorin ang mga gawain sa mga lugar ng botohan at sa Sentro ng Botohan sa City Hall.

Para matulungan ang mga tao na maintindihan ang mga alituntunin sa pag-oobserba, inilabas namin ang gabay para sa taga-obserba. (Makikita ang gabay humigit-kumulang dalawang buwan bago ang susunod na eleksyon.)

Makikita ninyo sa ibaba ang ilan sa mga mahahalagang tuntuning kaugnay ng mga pinapayagan at ipinagbabawal na mga gawaing pang-eleksyon.

Pinapayagan ang Exit Polling

Ang exit polling ay ang pagsasagawa ng survey sa mga botante matapos silang umalis sa lugar ng botohan. Inaabisuhan ang mga organisasyon ng mga tagapagbalita at iba pang tagapagmasid ng botohan, na isagawa ang kanilang exit poll nang hindi bababa sa 25 talampakan ang layo mula sa mga lugar ng botohan.

Limitado ang Pagkuha ng Larawan at Bidyo sa Loob ng mga Lugar ng Botohan

Maaaring kumuha ang mga botante ng larawan ng kanilang balota (isang “ballot selfie”) ngunit walang sinuman ang maaaring kumuha ng larawan ng balota ng ibang tao.

Ang paggamit ng mga kamera sa loob ng mga lugar ng botohan ay limitado at nangangailangan ng pahintulot ng opisyal ng eleksyon. Karaniwang pinapayagan ang mga organisasyon ng media na kumuha ng mga larawan at mga aktibidad sa bidyo hangga't hindi ito nakasasagabal sa pagboto, hindi tinatakot ang sinumang botante o manggagawa sa botohan, at hindi nakakakompromiso sa pagkapribado ng mga botante.

Ipinagbabawal ang Pangangampanya

Ang pangangampanya, na isang krimen, ay ang papapaikot ng petisyon pati na rin ang anumang adbokasiya laban o para sa isang kandidato o panukala sa balota na malapit sa taong nakapilang bumoto o sa loob ng 100 talampakan mula sa pasukan ng lugar ng botohan, sentro ng botohan, pagboto sa gilid ng daan, o kahon na hulugan ng balota.

Ipinagbabawal ang Paglapastangan sa Proseso ng Pagboto

Ang paglapastangan sa proseso ng pagboto, na isang krimen, ay sinasaklaw ang mga gawain tulad ng panloloko sa mga botante, panunuhol, at pakikialam o pagharang sa mga proseso ng eleksyon o karapatan ng mga botante.

Makikita sa website ng Kalihim ng Estado ang mga abiso sa publiko patungkol sa pagbabawal sa pangangampanya at sa paglapastangan sa proseso ng pagboto.

Paano isumbong ang mga paglabag

Kung nakakita kayo ng pangangampanya sa lugar ng botohan, mangyaring ipagbigay-alam sa manggagawa sa lugar ng botohan o tawagan kami sa 415-554-4310.

Kung may alam kayong paglapastangan sa proseso ng pagboto o panloloko sa mga botante, tawagan lamang kami sa 415-554-4310 o ang Voter Fraud Hotline ng Abugado ng Distrito sa 628-652-4311. Maaari din ninyong tawagan ang kumpidensyal na libreng Hotline para sa Botante ng Kalihim ng Estado sa 800-345-8683.