Misyon at mga Responsibilidad
Misyon naming magsagawa ng malaya, patas, at gumaganang eleksyon sa San Francisco at magbigay ng pantay na access sa mga serbisyo sa pagboto. Ginagabayan ng napakarami at iba’t-ibang pampederal, pang-estado, at panlokal na batas ang aming gawain.
Ginagampanan namin ang sumusunod na mga gawain tuwing eleksyon:
- Pangasiwaan ang paghahain ng mga form ng mga lokal na kandidato at mga panukala sa balota
- Gawin ang mga balota at ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante.
- Ipadala ang mga balotang vote-by-mail sa mga lokal na botante.
- Mag-recruit at magsanay ng libu-libong manggagawa sa botohan para sa Araw ng Eleksyon.
- Magkaloob ng rehistrasyon at serbisyo para makaboto nang maaga sa Sentro ng Botohan sa City Hall.
- Hanapin at tauhan ang daan-daang lugar ng botohan para sa Araw ng Eleksyon.
- Kolektahin at i-proseso ang lahat ng balota.
- Iulat ang mga resulta ng eleksyon.
- Magsagawa ng opisyal na pag-canvass o audit ng mga resulta ng eleksyon.
Pinagtatrabahuan namin ang ilang mga gawain buong taon:
- Panatilihin ang tumpak na mga rekord ng botante para sa humigit-kumulang 500,000 na mga botante.
- Pagbutihin ang mga aksesible at multi-linguwal na rekursong pang-eleksyon.
- Magsagawa ng outreach o pag-abot sa mga residente.
Bukas sa pagsisiyasat ang aming mga proseso. Inaanyayahan namin ang sinuman na panoorin ang aming mga live stream o obserbahan sa personal ang aming mga proseso.
Pinahahalagahan namin ang mga komento ng komunidad kaugnay ng aming mga serbisyo
Mangyaring gamitin ang form na ito para magbigay ng komento.