Anong gagawin
1. Alamin ang iyong BAN number
Hihingin namin ang iyong Account Number ng Negosyo (Business Account Number, BAN). Kung wala ka nito, alamin kung ano ang iyong BAN.
Gagamitin mo ito para malaman ang iyong ID number ng Lokasyon (Location ID number, LIN) sa form.
2. Ipunin ang impormasyon ng lokasyon ng iyong negosyo
Tatanungin ka namin tungkol sa:
- Iyong kasalukuyan at iminumungkahing paggamit
- Iyong square footage
- Iyong occupant load
Kung hindi mo alam ang iyong legal na occupant load, makipag-ugnayan sa iyong landlord o sa Departamento ng Bumbero ng SF.
3. Alamin kung anong mga form ang kailangan mo
Tatanungin ka namin tungkol sa:
- Iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan
- Impormasyon ng iyong negosyo
- Lokasyon ng iyong negosyo
- Ang plano ng iyong proyekto
Aabutin ito nang humigit-kumulang 15 minuto.
4. Tingnan ang iyong email
Ipapadala namin sa iyo sa pamamagitan ng email ang mga form na dapat mong sagutan para makapag-apply para sa iyong permit.
Magpapadala kami sa iyo ng email sa loob ng 3 araw ng negosyo kung ang iyong negosyo ay hindi kwalipikado para sa Prop H.
Espesyal na mga kaso
Kung wala ang BAN o LIN number
Kung wala ang BAN o LIN number
Kung hindi ka pa nagparehistro bilang isang negosyo sa Lungsod, puwede mo pa ring malaman kung ang iyong address at proyekto ay kwalipikado para sa pinabilis na pagsusuri.
Dapat kang kumuha ng BAN at LIN sa pagproseso ng permit ng iyong negosyo. Hindi mo kailangan ang mga ito para mapasimulan ang prosesp.
Magparehistro sa Treasurer at Tax Collector para makakuha ng Business Account Number.
Pinapadali para sa maliliit na negosyo ng Ordinansang Inisyatiba na Iligtas ang Aming Maliliit na Negosyo (Save Our Small Businesses Initiative Ordinance, Proposition H) ang pagbubukas at pagpapatakbo sa mapanghamon na panahong ito.
Inaalis ng Proposition H ang ilang buwan na paglalakad at pagpoproseso ng kinakailangan para sa permit para tulungan ang mga negosyong makabalik sa pinakamahusay nilang ginagawa, ang pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.
Humingi ng tulong
Team ng San Francisco (SF) sa Pagbibigay ng Permit sa Negosyo
Last updated January 25, 2021