Mag-apply para sa isang street vending permit

Kumuha ng permit para magbenta ng paninda o prepackaged na pagkain sa sidewalk.

Anong gagawin

1. Iparehistro ang inyong negosyo

Ipinarehistro ninyo ang inyong negosyo para mag-apply para sa isang Street Vending Permit.

2. Alamin kung kwalipikado kayo

Sa permit na ito makakapagbenta kayo ng:

  • paninda, tulad ng damit, electronics, o mga souvenir 
  • prepackaged na pagkain
  • mga bagay na inyong nililikha (pero hindi pagkain)

Hindi kayo pinapayagang magbenta ng:

  • alak
  • anumang pagkaing hindi prepackaged

3. Ihanda ang inyong mga dokumento

Tatanungin namin kayo tungkol sa:   

  • Pangalan ng inyong negosyo
  • Inyong Business Account Number (BAN) (Ang inyong BAN ay isang 7-digit na numero. Puwede ninyo itong hanapin.)
  • Ibebenta ninyo
  • Kung magbebenta kayo mula sa isang nakapirming lokasyon o kung lilibot kayo
  • Kung saan kayo magbebenta o kung saan ang inyong ruta kung lilibot kayo

Kakailanganin din ninyong mag-upload ng larawan ng inyong sarili. Puwede kayong kumuha ng larawan gamit ang inyong telepono at i-upload iyon.

Kakailanganin mong sumang-ayon na pagmamay-ari mo ang mga item na ibinebenta mo, at totoo ang inilagay mo sa aplikasyon.

4. Tingnan ang inyong lokasyon

Kung nagbebenta kayo mula sa isang lugar, dapat kayong mag-iwan ng landas na hindi bababa sa 6 na talampakan ang lapad para sa mga taong gumagamit ng bangketa. Kung masyadong makitid ang sidewalk, o kung may mga bagay sa sidewalk tulad ng sakayan ng bus o paradahan ng bisikleta, hindi namin kayo mabibigyan ng permit para magbenta roon. 

 

  • Isang 6 na talampakang walang harang at naa-access na landas ng paglalakbay sa bangketa, na maaaring tumaas sa ilang matrapikong lugar ng pedestrian.
  • 8 talampakan mula sa Komisyon ng Sining at naaprubahan ng mga may-hawak ng Lisensya ng Street Artist.
  • 7 metro mula sa mga fire hydrant
  • 15 talampakan mula sa mga bus zone o blue zone
  • 2 talampakan mula sa curb, kapag tumatakbo katabi ng umiiral na on-street parallel parking

Hindi kami naglalabas ng mga permit sa mga sumusunod na lugar: Sa pagitan ng Valencia Street at South Van Ness Avenue, kabilang ang Mission Street, sa pagitan ng 14th Street at 26th Street, at ang Powell at Market Cable Car Turnaround.

5. Simulan ang inyong aplikasyon

Karaniwang tumatagal nang humigit-kumulang isang oras ang pagsagot sa aplikasyon.

Pagkatapos ninyong isumite ang inyong aplikasyon, mag-i-email kami sa inyo ng kopya ng inyong aplikasyon at impormasyon tungkol sa susunod na dapat gawin.

6. Mga Bayarin

Kung maaprubahan namin ang inyong aplikasyon, magpapadala kami sa inyo ng bill. Ang bayarin para sa isang Street Vending Permit ay $471 kada taon. Kailangan din ninyong magbayad ng $11 na surcharge sa Konseho sa Pag-apela. 

Pag-aalis ng bayarin

Hindi ninyo kailangang bayaran ang buong bayarin sa permit kung tumatanggap kayo ng alinman sa mga sumusunod:  

  • California State Medi-Cal 
  • Electronic Benefits Transfer (EBT)  
  • SFMTA Lifeline card  
  • Women Infant and Children (WIC) Benefits 

Kung humihiling kayo ng waiver na ito kailangan ninyong magsumite ng larawan ng inyong benefit card. 

Hindi rin ninyo kailangang bayaran ang bayarin sa permit kung ang personal na kita ng inyong sambahayan ay mas mababa sa 200% ng pederal na antas ng kahirapan.

Ang lahat ng tao, kahit ang mga taong may waiver, ay dapat magbayad ng $11 na surcharge sa Konseho sa Pag-apela.

Ang mga nonprofit na organisasyon ay puwedeng humiling ng 50% na bawas sa bayarin kung natutugunan ng organisasyon ang alinman sa mga sumusunod:

  • hindi lumalampas sa $2.5 milyon ang pagpopondo taon-taon
  • isang Community Benefit District (CBD)
  • sumusuporta sa isang cultural district
  • may misyon ng pagsuporta sa pagpapaunlad ng ekonomiya o pagpapasigla sa komunidad

Ang bayad sa pag-renew ay $109 + $11 Surcharge ng Board of Appeals. Sa Waiver ng Bayad, magiging $54.50 +$11 Surcharge ng Board of Appeals.

Humingi ng tulong

Phone

311

Last updated July 8, 2024