SERBISYO

Mag-apply para sa isang electrical permit

Alamin kung kailan mo kailangan ng electrical permit. Ang mga rehistradong contractor ay pwedeng kumuha ng mga permit online.

Ano ang dapat malaman

Gastos

Ang mga bayarin sa permit ay depende sa sakop ng trabaho. Tingnan ang iskedyul ng mga bayarin sa electrical permit para sa mga detalye.

Mga kinakailangan

Kailangan mo ng electrical permit bago magkabit ng bagong wiring o mga pagbabago, extension, o pagdagdag sa mga electrical installation. Tingnan ang mga exemption sa San Francisco Electrical Code Section 89.121.

Dapat ay isa kayong lisensyadong contractor na nakarehistro sa Lungsod ng San Francisco para makapag-apply para sa isang electrical permit online.

Ano ang gagawin

Mag-apply online

Mag-log in sa Electrical Permitting and Inspection Scheduling system at mag-apply online.

Kung wala kayong account, pwede kayong gumawa ng isa sa pamamagitan ng pagrehistro sa Lungsod ng San Francisco bilang isang lisensyadong contractor.

Magpapakita lang ang system sa inyo ng mga permit na pwede ninyong makuha sa ilalim ng inyong trade license. 

Tatanungin kayo ng aplikasyon tungkol sa pinaplanong electrical work. Pwede kayong magbayad at agad na makuha ang inyong permit online.

Mag-apply nang personal

I-download, punan, at i-print ang application.

Dalhin ang iyong nakumpletong aplikasyon sa:

Permit Services49 South Van Ness
2nd floor
San Francisco, CA 94103
Kumuha ng mga direksyon

Mon, Tue, Thu, Fri 7:30 am to 3:30 pm
Wed 9 am to 3:30 pm

Sign into the building before 3:30 pm so we can see you the same day. 

Magkakaroon din kami ng mga papel na kopya ng aplikasyon na available sa aming opisina.

Special cases

Mga solar permit

Mga may-ari ng bahay

Mga owner-installer lang ng mga stand-alone na tirahan ng isang pamilya ang maaaring mag-apply para sa isang electrical permit para magawa ang trabaho nang sila lang. Tingnan ang opisyal na status ng inyong bahay sa mapa ng Assessor.

Kung hindi ninyo mapapatunayang kaya ninyong gawin ang electrical work nang ligtas, kakailanganin ninyong kumuha ng lisensyadong contractor.

  1. Kumpletuhin ang Homeowner’s Electrical Permit Application.
  2. I-email ang aplikasyon sa dbi.inspectionservices@sfgov.org. Kakailanganin din ninyong maglakip ng mga dokumentong nagpapatunay na kayo ang may-ari ng bahay.
  3. Ifo-forward namin ang aplikasyon sa isang DBI electrical inspector. Mag-i-iskedyul sila ng tawag para talakayin ang mga detalye ng iyong pinaplanong electrical work. 

Bago takpan ang wiring, dapat ay painspeksyunan muna ninyo ito.

Humingi ng tulong

Telepono

Para sa mga pangkalahatang tanong sa pagbibigay ng permit628-652-3200

Karagdagang impormasyon

Para sa mga isyu sa online permit system

I-email ang dbionlineservices@sfgov.org o tumawag sa 628-652-3320.