Mga Komite ng Tagapayo

Puwede kayong makasali sa pagdedesisiyon kung paano namin ibinibigay ang mga serbisyong pang-eleksyon.

Mayroon kaming dalawang pampublikong komite ng tagapayo. Maaaring sumali ang sinumang miyembro ng publiko sa alinman o sa parehong komite:

Voting Accessibility Advisory Committee (VAAC) o Komite ng mga Tagapayo sa Aksesibilidad sa Pagboto

Nagtutulungan ang mga miyembro ng komiteng ito upang maghanap ng mga bagong paraan upang gawing mas madali at mas maging aksesible para sa lahat ang pagboto.

Language Access Advisory Committee (LAAC) o Komite ng mga Tagapayo sa Aksesibilidad sa Wika

Sama-samang nagtatrabaho ang mga miyembro ng komiteng ito para maghanap ng mga bagong paraan para mapadali ang pagboto gamit ang ibang mga wika bukod pa sa Ingles.

Mayroon din kaming network ng mga tagapayo. Sinumang kasalukuyang manggagawa sa botohan sa San Francisco ang maaaring sumali sa network na ito:

Poll Worker Advisory Network (PWAN) o Network ng mga Tagapayong Manggagawa sa Botohan

Nagtrabaho bilang manggagawa sa botohan ang mga miyembro ng network na ito. Nagbibigay sila ng feedback at ibinabahagi nila ang kanilang mga karanasan sa amin.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated April 17, 2023