PAHINA NG IMPORMASYON

Aksesibleng pagboto

Alamin ang tungkol sa mga mapagkukunan upang makatulong sa bawat botante na bumoto nang pribado at malaya.

Aksesibleng Pamplet para sa Botante

Tuwing bawat eleksyon, nagbibigay kami sa lahat ng botante ng Lungsod ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante. Naglalaman ang pamplet na ito ng halimbawang balota, at mga kaalaman tungkol sa lokal na mga labanan. Naglalathala rin kami ng maraming digital na bersyon mga isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon.

Maaari rin ninyong gamitin ang Form para Mag-Update ng Rehistrasyon para makakuha ng pamplet sa:

  • papel na malaki ang pagkaka-imprenta
  • audio compact disc (sa Ingles)
  • audio flash drive (sa Ingles)
  • National Library Service cartridge (sa Ingles)

Aksesibleng pagboto sa pamamagitan ng koreo

Pakete ng balotang pang-koreo

Nagpapadala kami sa koreo ng pakete ng balota sa bawat lokal na botante para sa bawat eleksyon. Nilalaman ng paketeng ito ang isang balota, pambalik na sobre na bayad na ang selyo, mga instruksiyon, at “Bumoto ako” na sticker. (Kung kailangan ninyo ng balotang malaki ang pagkaka-imprenta, makipag-ugnayan sa amin.)

May dalawang butas ang pambalik na sobre na nagmamarka ng linya kung saan dapat kayo pumirma. Kung hindi ninyo kayang pumirma, maaari kayong gumamit ng marka o naka-rehistrong tatak ng lagda at pahintulutan ang iba na saksihan ito.

Sistema ng aksesibleng vote-by-mail

Simula 29 na araw bago ang Araw ng Eleksyon, maaari kayong mag log in sa sistema ng aksesibleng balota. Dito, makagagamit kayo ng screen-reader, head pointer, sip and puff, o iba pang katulad na kagamitan para markahan ang inyong balota. Dahil sa rasong pang-seguridad, hindi ninyo maaaring ibalik online ang aksesibleng balotang pang-koreo. Kailangan ninyo itong i-print at ibalik sa pamamagitan ng koreo o nang personal.

Paghahatid at pagkuha ng balota

Maaari ninyong pahintulutan ang iba na kumuha ng balota para sa inyo. Para magawa ito, ipadala sa kanila ang form na Awtorisasyon para sa Pagkuha ng Balota sa Sentro ng Botohan sa City Hall.

Puwede ring pahintulutan ninyo na iba ang magbalik ng inyong balota sa pamamagitan ng pagpunan sa kaugnay na seksyon sa pambalik na sobre.

Ang sinumang botanteng hindi makaboto sa pamamagitan ng koreo o nang personal dahil sila ay naospital o hindi makabyahe papunta sa isang lugar ng botohan, ay maaaring humiling ng serbisyo para sa paghatid o pagkuha ng balota. Para hilingin ang serbisyong ito, tumawag sa 415-554-4310 o mag-email sa amin.

Aksesibleng pagboto nang personal

Aksesibleng mga Kagamitan

Bawat lugar ng botohan ay may mga lente para sa mga pahina, pang-hawak ng panulat, at mauupuang lugar sa pagboto. Karamihan din sa mga nasabing lugar ay may aksesibleng pasukan. (Maaari ninyong malaman ang tungkol sa aksesibilidad ng inyong lugar ng botohan sa likod ng inyong pamplet para sa botante.) Puwedeng bumisita sa Sentro ng Botohan sa City Hall ang sinumang lokal na botante. Bukas ang Sentro ng Botohan 29 na araw bago ang Araw ng Eleksyon.

Aksesibleng Kagamitan para sa Pagmarka ng Balota (Ballot Marking Device)

Bawat lugar ng botohan ay may ballot-marking device na may touchscreen at audio na mga balota. Sa aparatong ito, maaari ninyong piliin ang format ng inyong balota, font, kulay ng background, at wika. Maaari rin kayong gumamit ng braille na keypad, headphone, o iba pang mga kagamitan para sa inyong balota. Mayroon ding ibang magagamit na aparato tulad ng sip and puff, mga paddle, at head pointers.

Tulong sa Pagmamarka ng Balota

Maaari kayong magpatulong sa isang manggagawa sa lugar ng botohan sa pagmamarka ng inyong balota. Puwede rin kayong magsama ng 1 hanggang 2 indibidwal (na hindi ninyo tagapag-empleyo o kinatawan ng inyong unyon) para tumulong sa inyo. Tandaan lamang na walang ibang dapat gumawa ng desisyon sa pagboto kundi kayo.

Serbisyo para Makaboto sa Gilid ng Daan

Para makaboto sa “curbside” o sa gilid ng daan sa labas ng botohan, tumawag sa 415-554-4310 o makiusap sa ibang tao na pumasok sa lugar ng botohan para hilingin ang gayong serbisyo para sa inyo. Isang manggagawa ng botohan ang lalabas para ihatid ang balota sa inyo at ipapaliwanag niya sa inyo kung paano bumoto. Kapag tapos na kayong bumoto, pupuntahan kayo ng manggagawa ng eleksyon para kunin ang inyong balota. Mananatiling lihim ang pinili ninyo sa balota.

Narito para tumulong ang mga manggagawa ng eleksyon!

Mga batas sa aksesibleng pagboto

Pinapatnubayan ng maraming batas panlokal, pang-estado, at pampederal ang aming mga aksesibleng serbisyo kabilang na ang:

The Voting Rights Act of 1965

The Voting Accessibility for the Elderly and Handicapped Act of 1984

The Americans with Disabilities Act of 1990

The Help America Vote Act of 2002

Komite ng mga Tagapayo para sa Aksesibilidad sa Pagboto

Nagtatrabaho ang aming Komite ng mga Tagapayo para sa Aksesibilidad sa Pagboto para mapabuti ang aksesibilidad sa mga serbisyo sa pagboto. Para sumali sa grupong ito, bisitahin ang pahinang Sumali sa Komite ng mga Tagapayo.