Sa pamamagitan ng koreo
Nagsisimula kaming magpadala ng mga pakete ng balota sa lahat ng mga botante ng Lungsod mga isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon. Sa panahong iyon, binubuksan din namin ang aksesibleng portal ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa lahat ng lokal na botante. Mabibilang lang namin ang inyong balota kung ibabalik ninyo ito sa Araw ng Eleksyon.
Sa personal
Binubuksan namin ang Sentro ng Botohan sa City Hall sa lahat ng lokal na botante sa Oktubre 7. Sa mismong Araw ng Elekson, bukas para sa pagboto ang parehong Sentro ng Botohan at lahat ng lugar ng botohan.
Humiling na mapadalhan o makuhaan ng balota
Maaari ninyong payagan ang ibang tao na kumuha ng balota para sa inyo. Para gawin ito, ipadala ninyo sa kanila ang isang form para Hilingin ang Pagkuha ng Balota sa Sentro ng Botohan sa City Hall. Sa panahon ng emerhensiya, maaari kayong humiling ng serbisyo sa paghatid o pagkuha ng balota. Para hilingin ang serbisyong ito, tumawag sa 415-554-4310 o mag-email sa amin.
Kumuha ng tulong sa pagmamarka ng inyong balota
Maaari ninyong pakiusapan ang mga manggagawa sa botohan na tulungan kayong markahan ang inyong balota. Puwede rin kayong magdala ng 1 o 2 tao (na hindi ninyo tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon) para tulungan kayo. Tandaan, walang ibang dapat na gumawa ng desisyon sa pagboto para sa inyo.
Upang makakuha ng balota mula sa koreo para sa Nobyembre 5 na eleksyon, dapat rehistrado kayo para bumoto hanggang Oktubre 21. Kung nalampasan ninyo ang deadline at nais ninyong bumoto, maaari pa rin ninyong gawin ito nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall o sa isang lugar ng botohan. Alamin pa ang tungkol sa pagpaparehistro sa parehong araw ng botante.
Humingi ng tulong
Department of Elections
1 Dr. Carlton B. Goodlett PlaceCity Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102
Phone
Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386
中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310
Last updated September 5, 2024