Pagboto sa pamamagitan ng koreo

Nagpapadala na kami ng balota sa bawat lokal na botante tuwing bawat eleksyon. Madali at ligtas ang pagboto sa pamamagitan ng koreo.

Pagtanggap sa inyong balota

Kalakip ng inyong paketeng vote-by-mail ang:

  • Mga kard ng balota
  • Isang pambalik na sobre na bayad na ang selyo
  • Mga instruksiyon sa pagboto
  • Isang “Bumoto Ako” na sticker

Upang matiyak na maipadadala namin ang tamang balota sa tamang address, mag-log in sa Voter Status Tool (Tool sa Katayuan ng Botante) upang kumpirmahin ang inyong address ng tirahan at address pang-koreo.

Kailangang nakarehistro kayong bumoto nang hindi lalampas sa Oktubre 21 upang makatanggap ng pakete ng balota sa koreo. Kung hindi kayo umabot sa deadline, maaari pa rin kayong bumoto nang personal.

Siguraduhing maaari naming bilangin ang inyong balota

Kailangang pirmahan ninyo ang pambalik na sobre ng balota at ibalik ang inyong balota nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon sa pamamagitan ng koreo, o nang personal.   

Tingnan ang mga paraan sa pagbalik ng inyong balota

Hinihikayat namin kayong subaybayan ang inyong balota gamit ang Voter Portal. Maaari din kayong mag-sign up para makatanggap ng mga notipikasyon sa email, text, o tawag sa telepono.

Maaari kayong humiling ng pamalit na balota

Kung hindi ninyo natanggap, nawala, nasira, o nagkamali kayo sa pagmamarka ng inyong orihinal na balota, maaari kayong humiling ng kapalit. Makipag-ugnayan sa amin o mag-log in sa Voter Portal nang hindi lalampas sa 7 araw bago ang Araw ng Eleksyon upang gawin ang inyong kahilingan. Maaari rin ninyong piliin na bumoto nang personal.

Kung gumawa kayo ng pagbabago sa inyong address, kinakatigang partido, o kagustuhan sa wika pagkatapos naming maipadala sa koreo ang inyong balota, padadalhan namin kayo sa koreo ng kapalit.

Maaari kayong mag-download ng aksesibleng balota

Maaaring makakuha ng balota ang sinumang botante gamit ang sistema ng aksesibleng vote-by-mail. Maaari kayong gumamit ng screen-reader, head-pointer, sip and puff, o iba pang aparato para markahan ang inyong balota.

Magbubukas ang sistema para sa lahat ng mga botante ng San Francisco simula 29 na araw bago ang Araw ng Eleksyon. Sundin ang mga hakbang na ito upang magamit ang sistema:

Hakbang 1: Mag-log in sa sistema ng aksesibleng vote-by-mail at basahin ang mga instruksiyon.

Hakbang 2: Markahan at suriin ang inyong balota gamit ang mouse, keyboard, o aparatong pantulong.

Hakbang 3: I-print ang inyong namarkahang balota o i-save ito bilang PDF file at i-print sa ibang pagkakataon.

Hakbang 4: Ihanda ang pambalik na sobre para sa inyong aksesibleng balota. Maaari ninyong:

  • Gamitin ang opisyal na pambalik na sobre na inyong natanggap mula sa pakete ng balota, O
  • Gamitin ang 2 karaniwang sobre at sundin ang mga ibinigay na instruksiyon online.

Hakbang 5: Ibalik ang printout ng inyong aksesibleng balota nang personal o sa pamamagitan ng koreo.

Para sa seguridad, hindi nagiimbak o nagpapadala ng mga boto sa internet ang sistema ng aksesibleng balota. Kailangang ibalik ng mga botante ang printout ng aksesibleng balota nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated September 25, 2024