Anong gagawin
Ipunin ang inyong impormasyon
Para hilingin ang iyong digital na liham ng pag-verify ng mga pampublikong benepisyo, kakailanganin mong ibigay ang:
- iyong pangalan,
- address,
- petsa ng kapanganakan,
- at ang mga uri ng benepisyong kailangan mong i-verify sa iyong liham.
Kung gusto mo ng papel na kopya ng iyong liham, kailangan mo itong hilingin sa email na ito.
Mag-email o tumawag para hilingin ang iyong liham
Mag-email sa Ahensya ng Serbisyong Pantao sa hsabenefitsverification@sfgov.org. Puwede ka ring tumawag sa 415-557-6425.
Ang mga liham ng pag-verify ng pampublikong benepisyo ay mula sa Ahensya ng Serbisyong Pantao (Human Services Agency, HSA). Mga kumpidensyal na papel na talaan ang mga ito, na ipinapadala lang sa mga direktang tagatanggap ng mga benepisyo. Sa panahon ng COVID-19, ang HSA ay tumatanggap ng mga email na kahilingan para sa mga digital na kopya ng liham.
Ano ang sunod na mangyayari
Pagkatapos mong ipadala ang iyong kahilingan sa email, susuriin ito ng HSA. Pagkatapos ng pagsusuri, makakatanggap ka sa email ng digital na kopya ng iyong liham ng pag-verify ng mga benepisyo. Maaari itong tumagal nang 5 business days.
Espesyal na mga kaso
Pagtulong sa ibang tao
Pagtulong sa ibang tao
Puwede mong tulungan ang ibang tao na makuha ang kanyang digital na liham ng pag-verify ng mga benepisyo. Para gawin ito, kailangan mong maglakip ng patunay ng pahintulot mula sa taong iyon sa kahilingan sa email.
Humingi ng tulong
Ahensya ng Serbisyong Pantao ng SF (SF Human Services Agency)
Last updated December 3, 2020