Pumunta sa isang workshop para sa aplikasyon sa pagkamamamayan

Dumalo sa isang workshop ng San Francisco Pathways to Citizenship Initiative (Inisyatiba sa Mga Daan tungo sa Pagkamamamayan ng San Francisco) para makakuha ng libreng tulong sa inyong aplikasyon sa pagkamamamayan.

Anong gagawin

1. Pagiging kwalipikado

Makakatanggap kayo ng tulong sa isang workshop kung kayo ay: 

2. Maghanap ng nalalapit na workshop

Tumingin ng listahan ng mga nalalapit na workshop
 

  • Available ang mga virtual workshop para masimulan ang inyong aplikasyon sa pagkamamamayan online. Para magparehistro, tumawag sa isa sa mga multilingual na hotline na nakalista sa page na ito.  
     
  • Ang mga workshop sa personal ay para lang sa mga may appointment. Para magparehistro, tumawag sa isa sa mga multilingual na hotline na nakalista sa page na ito.  


O puwede ninyong simulan ang inyong aplikasyon sa pagkamamamayan mula sa bahay. Kapag nakumpleto na ninyo ang online na aplikasyon, iuugnay namin kayo sa aming mga eksperto sa imigrasyon para sa huling pagsusuri. 

3. Magpatulong sa pagbabayad ng inyong bayarin sa aplikasyon

Kung kayo ay tumatanggap ng mga pampublikong benepisyo, puwede kayong maging kwalipikado para sa pag-aalis ng bayarin mula sa US Citizenship & Immigration Services (USCIS). Puwede namin kayong tulungang sagutan ito. 

Kung hindi kayo kwalipikado para sa pag-aalis ng bayarin, puwede pa rin kayong makakuha ng loan na walang interes para mabayaran ang bahagi ng bayarin o ang buong bayarin sa aplikasyon

Bakit kami tumutulong sa mga tao na mag-apply para sa pagkamamamayan

Alam namin na ang pagiging mamamayan ay nagbibigay ng maraming benepisyo at mas maraming pagkakataon para sa mga imigrante. Tumutulong ang OCEIA at ang San Francisco Pathways to Citizenship Initiative sa mga imigrante na pagdaanan ang proseso.

Humingi ng tulong

Phone

Mag-iwan ng mensahe at may tatawag sa inyo:

Deje su mensaje y alguien le devolverá la llamada:

請留下口訊,我們會回覆你:

Оставьте сообщение и мы Вам перезвоним:

Mag-iwan ng mensahe at tatawagan namin kayo:

Last updated June 30, 2022