Naglabas ang Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng mga bagong kundisyon na magpapahintulot sa maraming retail at kaugnay na negosyo na magbukas ulit kung mayroon silang mga ipinapatupad na partikular na kinakailangan sa kaligtasan para maprotektahan ang kanilang mga manggagawa at customer.
Puwedeng magbago ang impormasyong ito hangga't hindi pa nailalabas ang utos at mga alituntunin. Inaasahang mangyayari iyon sa Lunes, Mayo 18, 2020, kung mananatiling stable ang mga kundisyon sa pampublikong kalusugan.
Ang lahat ng negosyong ito ay dapat may Protokol sa Pagdistansya sa Isa't Isa at magpatupad ng bagong Plano sa Kalusugan at Kaligtasan para sa pagpapatakbo sa panahon ng pandemya ng coronavirus. Ipinapatupad na dapat ang parehong plano bago magsagawa ang negosyo ng pag-pick up sa curb. Tingnan ang lahat ng alituntunin para sa pagpapatakbo ng negosyo sa panahon ng pandemya ng coronavirus.
Hindi puwedeng pumasok ang mga customer sa tindahan.
Puwedeng magbukas ang maliliit na retailer ng negosyo para sa pag-pick up sa curb
Ang mga retail na tindahang hindi pa bukas sa publiko ay puwedeng magbukas para sa pag-pick up sa curb kung ang lokasyon ay:
- May malinaw na access sa isang sidewalk, kalye, paradahan, o alley na magagamit para sa pag-pick up
- Wala pang 10 empleyado sa lugar sa bawat pagkakataon, na mangangasiwa sa pag-pick up sa curb
- Wala sa isang saradong shopping center, maliban kung may sariling pinto ang negosyo papunta sa labas
- Magpapatupad ng Plano sa Kalusugan at Kaligtasan para sa mga negosyong nasa curb (napupunang MS Word)
Tinataya naming mahigit sa 90% ng mga retailer sa San Francisco ang kasama rito. Puwedeng maglagay ang mga negosyong ito ng mesa sa sidewalk, para sa mga ipi-pick up na item.
Magagawa ng mga negosyong humiling ng libreng pansamantalang loading zone para sa kanilang negosyo sa SFMTA. Puwede ring pansamantalang gamitin ng negosyo ang isang bahagi ng sidewalk para sa pag-pick up sa curb. Hindi mo kailangan ng permit. Tingnan ang mga detalye sa Mga Pagawaing Bayan.
Puwedeng magpatuloy ang mga negosyo sa supply chain na sumusuporta sa retail na ito
Puwedeng magpatuloy ang manufacturing, warehousing, at logistics na sumusuporta sa retail na ito. Pero hindi sila puwedeng magkaroon ng mahigit sa 50 empleyado sa lugar sa bawat pagkakataon. Ang mga negosyong ito ay dapat mayroon ding Protokol sa Pagdistansya sa Isa't Isa at magpatupad ng Plano sa Kalusugan at Kaligtasan. Tingnan ang lahat ng alituntunin para sa pagpapatakbo ng negosyo sa panahon ng pandemya ng coronavirus.
Dapat sumunod ang mga manufacturer sa mga alituntunin ng estado para sa COVID-19 para sa manufacturing. I-download ang template ng Plano sa Kalusugan at Kaligtasan para sa mga manufacturer (napupunang MS Word).
Dapat sumunod ang logistics at warehousing sa mga alituntunin ng estado para sa COVID-19. I-download ang template ng Plano sa Kalusugan at Kaligtasan para sa warehousing (napupunang MS Word).
Dapat sumunod ang mga customer sa mga alituntunin para manatili silang ligtas
Hindi puwedeng pumasok ang mga customer sa mga tindahan. Dapat mong i-order ang iyong mga item bago ka pumunta sa tindahan. Magsuot ng takip sa mukha at magpanatili ng 6 na talampakang distansya mula sa iba.
Kung magmamaneho ka papunta sa tindahan, tiyaking hindi ka dadaan sa mga kalye at lane para sa bisikleta.
Mga Negosyo: I-download ang mga template para sa Mga Plano sa Kalusugan at Kaligtasan
Ang mga sumusunod ay mga napupunang dokumento sa MS Word na magagamit mo para sa iyong Mga Plano sa Kalusugan at Kaligtasan:
Mga opisyal na utos at direktiba sa kalusugan
Utos ng Opisyal sa Kalusugan Blg. C19-07d (Tagalog)
I-download ang mga PDF mula sa Opisyal sa Kalusugan: