Nagsara ang Tenderloin Center noong Disyembre 4, 2022. Ang center, na bahagi ng Tenderloin Emergency Initiative ng San Francisco, ay pinlano bilang pansamantalang lugar para mabawasan ang mga pagkamatay dahil sa overdose at maparami ang mga koneksyon sa mga serbisyo, pati na rin makakolekta ng data para sa mga lugar at serbisyo sa hinaharap.
Mga referral sa mga serbisyo
Ni-refer ng SF Public Health ang mga bisita sa Tenderloin Center sa iba pang provider para maghanap ng mga serbisyong tulad ng mga ligtas na drop-in center; pagkain; mga serbisyo sa paggamit ng substance at pagbabawas ng panganib; mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip; medikal na pangangalaga, at mga center para sa pabahay at mga benepisyo. Alamin kung paano i-access ang mga serbisyong ito.
Nakatuon pa rin ang DPH sa pagpapaigting sa mga serbisyo sa pag-iwas sa pag-overdose at kalusugan na iniaalok sa Tenderloin, at sa iba pang komunidad kung saan mataas ang pangangailangan.
Kung nakakaranas kayo ng kawalan ng tirahan
Mag-access ng pansamantalang silungan
Ang mga kabataan at pamilya ay makakahanap ng Coordinated Entry Access Point na nasa malapit. Maaaring makipag-ugnayan ang mga nasa hustong gulang sa Homeless Outreach Team.
Tulong sa pabahay at paglutas ng problema
Humingi ng tulong para sa kawalan ng tirahan at pag-iwas sa kawalan ng tirahan
Homeless Outreach Team (SFHOT)
Kung gusto ninyong makipag-ugnayan para sa silungan o mga serbisyo, pakitawagan ang SFHOT sa 415-355-7401
Seguridad sa pagkain at mga pagkain, tulong pinansyal, kalusugan at kapakanan, mga serbisyo sa paglalaba, at iba pang makakatulong na mapagkukunan
Mag-apply para sa pondo ng Season of Sharing para makakuha ng panandaliang tulong.
Magpatulong sa pagbabayad ng pabahay o iba pang emergency
Tulong para sa mga taong nagkakaproblema sa pagkuha o pagbili ng pagkain.
Magkaroon ng mga mapagkukunan ng pagkain
Maidirekta sa paggamot at pangangalaga
Impormasyon at mga resource para sa mga indibidwal at pamilyang nakakaranas ng karahasan sa tahanan.
Maidirekta sa mga rehabilitative at reentry na serbisyo