Ano ang Ordinansa ng Santuaryo (Sanctuary Ordinance) ?
Noong 1989, ipinasa ng San Francisco ang "City and County of Refuge" Ordinance (kilala rin bilang Sanctuary Ordinance o Ordinansa ng Santuwaryo). Sa pangkaraniwang salita, ang Sanctuary Ordinance ay nagbabawal sa mga empleyado ng Lungsod na gumamit ng mga pondo o mapagkukunan ng tulong mula sa Lungsod upang makipag tulungan sa Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa pagpapatupad ng Pederal na batas sa imigrasyon maliban na lang kung ang naturang tulong ay ipinag uutos ng batas na pederal o ng estado.
Noong 2013, ipinasa ng San Francisco ang Ordinansa na "Pagdaan sa nararapat at kaukulang Proseso para sa Lahat". Nililimitahan ng ordinansang ito ang mga pagkakataon na kung kailan ang mga opisyal na nagpapatupad ng batas ng Lungsod ay maaaring magbigay ng paunang abiso sa ICE ng papalapit na pagpapalaya ng isang tao mula sa lokal na piitan. Ipinagbabawal din nito ang pakikipagtulungan sa mga kahilingan sa ICE detainer, na kung minsan ay tinutukoy bilang "ICE holds."
Ang mga ordinansang ito ay huling binago noong Hulyo 2016.
[Sanctuary Ordinance: SF Admin Code Chapter 12H and 12I – English]
Ano ang kahulugan na ang San Francisco ay isang Sanctuary City?
Noong 1989, ipinasa ng San Francisco ang Ordinansa na nagsasabi na ito ay isang "City and County of Refuge" (kilala rin bilang Ordinansa ng Sanctuary). Sa pangkaraniwang salita, ang Sanctuary Ordinance ay nagbabawal sa mga empleyado ng Lungsod na gumamit ng mga pondo o mapagkukunan ng tulong mula sa Lungsod upang tulungan ang Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa pagpapatupad ng Pederal na batas sa imigrasyon maliban na lang kung ang naturang tulong ay ipinag-uutos ng batas pederal o ng estado.
Noong 2013, ipinasa ng San Francisco ang Ordinansa sa "pagdaan sa nararapat at kaukulang Proseso para sa Lahat".
Nililimitahan ng ordinansang ito ang mga pagkakataon kung kailan ang mga opisyal na nagpapatupad ng batas ng Lungsod ay maaaring magbigay ng mga paunang abiso sa ICE sa papalapit na pagpapalaya ng isang tao mula sa lokal na piitan. Ipinagbabawal din nito ang pakikipagtulungan sa mga kahilingan ng ICE detainer, na kung minsan ay tinutukoy bilang "ICE holds."
Ang mga ordinansang ito ay huling binago noong Hulyo 2016. Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga empleyado ng Lungsod ay hindi maaaring gumamit ng mga mapagkukunan ng tulong mula sa Lungsod upang:
- Tumulong o makipagtulungan sa anumang pagsisiyasat, detensyon, o pag-aresto ng ICE na may kaugnayan sa di-umano'y mga paglabag sa mga probisyong sibil ng pederal na batas sa imigrasyon.
- Magtanong tungkol sa katayuan sa imigrasyon sa anumang aplikasyon para sa mga benepisyo, serbisyo, o pagkakataon ng Lungsod, maliban kung kinakailangan ng batas, regulasyon, o desisyon ng korte ng pederal o estado.
- Limitahan ang mga serbisyo o benepisyo ng Lungsod batay sa katayuan sa imigrasyon, maliban kung kinakailangan ng batas o regulasyon ng pederal o estado, mga pamantayan ng pampublikong tulong, o desisyon ng korte.
- Magbigay ng impormasyon tungkol sa katayuan ng pagpapalaya o personal na impormasyon ng sinumang indibidwal, maliban sa mga limitadong pagkakataon kapag ang tagapagpatupad ng batas ay maaaring tumugon sa mga kahilingan ng ICE para sa abiso tungkol sa kung kailan mapapalaya ang isang indibidwal mula sa kustodiya.
- I-detain ang isang indibidwal batay sa isang civil immigration detainer pagkatapos na ang indibidwal na iyon ay maging karapat-dapat para sa pagpapalaya mula sa kustodiya.
Bakit pinagtibay ng San Francisco ang Sanctuary Ordinance?
Itinataguyod ng Sanctuary Ordinance ang pagtitiwala at pakikipagtulungan sa publiko. Nakakatulong itong panatilihing ligtas ang ating mga komunidad sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng residente, anuman ang katayuan sa imigrasyon, ay kumportable na tumawag sa kapulisan at Fire Department sa panahon ng mga emerhensiya at pakikipagtulungan sa mga ahensya ng Lungsod sa panahon ng mga sitwasyong pangkaligtasan ng publiko.
Nakakatulong ito na panatilihing malusog ang ating mga komunidad sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng mga residente, anuman ang katayuan sa imigrasyon, ay maluwag na makakakuha ng mga serbisyo sa pampublikong kalusugan ng Lungsod at mga programa ng benepisyo. (Pakitandaan: Ang mga programang pinondohan ng pederal na gobyerno ay maaaring may iba't ibang panuntunan, pag-iingat ng rekord, at mga kinakailangan sa pag-uulat.)
Ang San Francisco ba ang nag-iisang Sanctuary City sa bansa?
Hindi. Sa katunayan, ang San Francisco ay isa lamang sa daan-daang lungsod sa buong U.S. na may mga patakaran sa santuwaryo o mga kaugnay na kautusan sa pagpapatupad ng batas. Ang California at ilang iba pang estado ay mayroon ding mga kaugnay na batas o patakaran.
How to file a Sanctuary City Ordinance complaint
City employees aren't allowed to help Immigration and Customs Enforcement (ICE) enforce immigration law unless a federal or state law specifically requires them to help.