Kapag sinita o pinatigil kayo ng alagad ng ICE sa kalye o lansangan
Manatiling mahinahon. Laging itanong sa alagad, “Am I free to go? (maaari na ba akong umalis?) Kapag ang sagot ay “yes” dahan dahan maglakad papaalis
Kapag ang sagot ay “no”
- Huwag umalis o lumakad palayo
- Huwag sumagot sa kahit anong tanong
- Humingi ng abudado
- Huwag magsalita sa inyong kalagayan patungkol sa immigrasyon
- Huwag magsalita tungkol sa kung kailan at papaano kayo nakarating sa Estados Unidos
Kapag kinapkapan ka o hinahalughug ang gamit mo ng alagad ng ICE, sabihin mo sa kanya na “I do not consent to this search” (hindi ako pumapayag sa pagkapkap o paghahalughog sa akin.
Kapag pumunta ang ahente ng ICE sa inyong tahanan
Huwag buksan ang pinto. Sabihan ang alagad na isingit sa ilalim ng inyong pintuan ang balidong search warrant. Kung wala silang balidong search warrant, hindi sila maaaring pumasok sa inyong tahanan.
Ang balidong search warrant ay:
- Pirmado ng isang Huwes o mahistrado (hindi isang opisyal ng immigrasyon)
- Tukuyin ang adress kung saan mahahanap o mag hahalughug
- Sabihin ang detalye kung saan sila mag hahanap o maghahalughog
Kapag ang alagad ng ICE ay nagpunta sa inyong tahanan na may “warrant for removal/deportation”
Ang “search warrant ay iba at hindi katulad ng “warrant for removal/deportation”
Hindi mo sila kinakailangang papasukin sa iyong tahanan kung ang dala lamang nila ay “warrant for removal/deportation.”
Kung ikaw ay inaresto o hinuli ng ICE agent
May karapatan kang kumuha ng abugado. Hilingin na gusto mong makipag usap sa abugado.
May karapatan kang huwag magsalita. Huwag sagutin ang anumang katanungan.
Huwag pumirma ng kahit anong dokumento ng walang abugado.
Huwag magsinungaling o magpakita ng palsipikado o pekeng dokumento.
Huwag mag kwento patungkol sa estado o kalagayan ng iyong imigrasyon. Huwag magsalita kung paano at kung kailan ka nakapunta sa Estados Unidos.
Kumuha ng tulong pang legal
Puntahan ang Immigrant Support Hub para makakuha ng tulong pang legal kung ikaw ay nakulong o naditina o napipintong madeport.