Kaya naming baguhin ang takbo ng buhay ng isang tao
Nagsisikap ang Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco para gawing madaling i-access at maayos ang mga serbisyo. Nakabatay ang Mental Health SF sa isang mahusay na sistema ng pangangalaga na may mahigit sa 400 kasalukuyang serbisyo at programa sa kalusugan ng pag-iisip at paggamit ng substance sa buong lungsod.
Dinaragdagan ng Mental Health SF ang suporta at pangangalaga para sa mga taong may mga sakit sa kalusugan sa pag-iisip at/o paggamit ng substance. Mayroon itong apat na pangunahing bahagi: ang Office of Coordinated Care, ang Street Crisis Response Team, ang Mental Health Service Center, at pagpapalawak ng mga bagong kama at pasilidad.
Isinabatas ang Mental Health SF ng San Francisco Board of Supervisors at pinopondohan ito sa pamamagitan ng "Our City, Our Home (Ating Lungsod, Ating Tahanan)" (Proposisyon C) na sinusuportahan ng mga botante.
Matuto pa tungkol sa mga populasyong pinaglilingkuran ng Mental Health SF.
Apat na pangunahing bahagi:
Street Crisis Response Team
-
Mabilis na tumutugon sa mga taong nakakaranas ng mga krisis sa pamamagitan ng diskarteng batay sa trauma.
-
Nagfa-follow up at nag-uugnay ng mga kliyente sa mga serbisyo, gaya ng paggamot at pabahay.
-
Kasama sa mga team ang isang paramedic, isang clinician sa kalusugan ng pag-iisip (gaya ng psychologist o social worker) at isang peer specialist (isang taong may karanasan sa kawalan ng tirahan at sa sistema ng kalusugan ng pag-iisip).
-
Binabawasan ang paggamit ng tagapagpatupad ng batas at hindi kinakailangang paggamit ng emergency room.
-
Tumawag sa 911 para magpatulong sa kanila
-
Mas marami pang impormasyon dito
Residensyal na Pangangalaga at Paggamot
-
Pinapalawak ang mga serbisyo sa pangmagdamagang residensyal na paggamot at pangangalaga para sa mga pangmatagalan at panandaliang pananatili.
-
Dinaragdagan ang residensyal na kapasidad ng humigit-kumulang 400 espasyo para sa pangmagdamagang paggamot, o kama, bukod pa sa halos 2,200 na mayroon na. Kumakatawan ito sa 20% pagtaas ng kapasidad.
-
Nakakatulong sa mga tao na makatanggap ng maagap na pangangalaga at paggamot at bumubuo ng mga makabagong modelo ng pangangalaga para ma-target ang mga natatanging pangangailangan ng komunidad.
-
Sumusuporta sa mga Street Response Team sa pamamagitan ng paggawa ng mga mas bukas at ligtas na espasyo para sa mga taong nakakaranas ng krisis.
-
Kasama sa mga bagong kama at pasilidad ng paggamot ang Hummingbird Valencia at SoMa Rise Center.
-
Mas marami pang impormasyon dito
Office of Coordinated Care
-
Pinapahusay ang koordinasyon ng pamamahala ng kaso para mas matugunan namin ang mga pangangailangan ng aming mga kliyente.
-
Sumusuporta sa mga tao para makapagpatala at makapagpanatili ng mga benepisyo sa pangangalaga sa kalusugan.
-
Nagpapanatili ng real-time na imbentaryo ng mga programa at kapasidad.
-
Nagpapatakbo ng 24 na Oras na helpline para sa pagtawag: 888-246-3333 TDD (888) 484-7200
Mental Health Service Center
-
Nagsasalarawan ng isang lugar kung saan makakapag-access ang mga kliyente ng paggamot at mga referral.
-
Sa kasalukuyan, natutugunan ang mga pangangailangang ito sa pamamagitan ng Behavioral Health Access Center at Behavioral Health Pharmacy, na kinabibilangan ng:
-
Tumawag sa 888-246-3333 (24 na oras sa isang araw/7 araw sa isang linggo) TDD: 888-484-7200
-
Dumaan sa 1380 Howard Street, 1st Floor, San Francisco, CA 94103, Lunes hanggang Biyernes, 8 am hanggang 5 pm
-
Link sa mga serbisyo at paggamot
-
Pagpapatala
-
-
Mga kamakailangang pagpapalawak sa Behavioral Health Access Center, na kinabibilangan ng:
-
Telemedicine, mga delivery, at mga pinalawig na oras.
-
Mas madalas na pag-pick up ng gamot
-
Ipapamahagi ng Clearinghouse ang libreng gamot para sa overdose reversal, ang naloxone ( ~28,000 kit/taon).
-
Mga serbisyo sa pagbabawas ng pinsala sa site gaya ng mga fentanyl test strip at safe use kit.
-
Mga makabagong kasanayan gaya ng pag-microdose ng buprenorphine para tumugon sa nadagdagang pagkakaroon ng fentanyl.
-