Gawing accessible ang iyong Pinagbabahagiang Espasyo

Sundin ang aming mga panuntunan sa pagiging accessible sa paggamit ng sidewalk o parking lane para sa iyong negosyo.

Kung mag-a-apply ka para gamitin ang sidewalk o parking lane para sa iyong negosyo, dapat mong sundin ang aming mga panuntunan para mapanatiling accessible ang espasyo.

Magpanatili ng diretso at walang harang na daanan

Para magamit ang outdoor na espasyo para sa aktibidad sa negosyo, dapat kang gumawa at magpanatili ng diretso at malinaw na daanan na hindi bababa sa 6 na talampakan (2 yarda) ang lapad sa iyong buong sidewalk.

Makakatulong ang walang harang na daanang ito ay makakatulong sa lahat na magamit nang ligtas ang sidewalk. Hindi puwedeng harangan ng iyong mga mesa, upuan, o iba pang muwebles ang daanan. Hindi puwedeng harangan ng mga customer na gumagamit ng espasyo ang daanan.

Hindi mo dapat maharangan ang:

  • Mga curb ramp o crosswalk
  • Mga pinto
  • Mga driveway
  • Mga fire escape
  • Koneksyon sa Departamento ng Bumbero (Fire Department) tulad ng hydrant o standpipe
  • Mga control system sa access sa pasukan
  • Sidewalk sa tabi ng mga bus stop, blue curb, o white curb

Gumamit ng mga diverter sa sidewalk

Nakakatulong ang mga diverter sa mga taong bulag o may problema sa paningin na maunawaan ang espasyo sa kanilang paligid. Napakahalaga ng mga diverter lalo na sa panahon ng coronavirus pandemic. Nakakatulong din ang mga ito na mapanatili ang pisikal na distansya mula sa ibang tao.

Para gamitin ang sidewalk para sa mga pagpapatakbo ng negosyo, dapat kang maglagay ng mga diverter.

Ang iyong mga diverter ay dapat:

  • Hindi bababa sa 30 talampakan ang taas, 12 pulgada ang lapad, at 24 na pulgadang haba
  • May buong hindi bababa sa 24 na talampakan mula sa lupa
  • Matibay, hindi gumagalaw, at sapat ang bigat para hindi ito matumba o hindi ito hanginin
  • Kitang-kita para sa mga kulay na mataas ang contrast
  • Naaalis kapag magsasarado ka araw-araw
  • Naka-flush sa gusali at humigit-kumulang 90 degree

Wala dapat lumampas sa mga diverter sa anumang punto.

Magkaroon ng accessible na mesa

Dapat ay mayroon kang kahit man lang 1 accessible na mesa na available para sa mga nasa wheelchair.

Ang mesa ay dapat:

  • Nasa pagitan ng 28 hanggang 34 na talampakan ang taas
  • May hindi bababa sa 27 pulgada ng espasyo mula sa sahig hanggang sa ilalim ng mesa
  • May espasyo para sa tuhod na hindi bababa sa 19 pulgada sa ilalim ng mesa
  • May ganap na walang harang na espasyo sa sahig na 30 pulgada at 48 pulgada kada upuan
  • Nasa hindi bababa sa 4 na talampakan mula sa pinakamalapit na harang
  • May label na nagpapakita ng Internasyonal na Simbolo ng Accessibility (International Symbol of Accessibility)

Dapat mong tiyakin na may accessible na ruta sa mesa.

Mga ligtas na nakasabit na halaman o payong

Ang mga payong ay dapat kahit man lang 7 talampakan (o 84 na pulgada) ang haba. Hindi dapat ilagay ang mga ito sa daanan sa emergency, landing ng drop ladder para sa fire escape, o nang lampas sa inaaprubahang lugar.

Ang mga nakasabit o nasa itaas na bagay ay dapat 7 talampakan (o 84 na pulgada) ang taas mula sa lupa.

Takpan ang mga kawad at kable

Ang mga kawad at kable ay puwedeng makatalisod o makaharang sa daanan.

Dapat ay may takip ang mga ito sa sidewalk o sa mga lugar na nilalakaran ng tao. Hindi dapat lumampas sa 1:12 ang slope ng takip. 

  • Ang mga kawad o kableng wala pang kalahating pulgada ang taas ay dapat matakpan para hindi makatalisod
  • Ang mga kawad o kableng lampas kalahating pulgada ang taas ay dapat matakpan gamit ang accessible ramp o cable cover

Tingnan ang isang accessible cable cover. 

Access sa parking lane

Kung hindi mo matutugunan ang mga kinakailangan sa espasyo sa sidewalk, dapat mong gawing accessible ang espasyo ng parking lane.

Mga rampa

Magbigay ng accessible na rampa na may:

  • Maximum na slope na 8.3% (1:12)
  • Nakaangat na side rail

Narito ang isang halimbawang rampa.

Mga platform

Kung iminumungkahi mo ang paglalagay ng platform sa parking lane para sa iyong Pinagbabahagiang Espasyo, lagdaan at isumite ang form na ito kasama ang mga larawan ng istraktura sa SharedSpacesPermit@sfdpw.org.

Ang iyong platform ay dapat:

  • Matibay at nasa maayos na kundisyon
  • Huwag harangan ang sidewalk
  • Magbigay ng espasyo sa drainage
  • Maging naka-enclose
  • Magkaroon ng accessible na daanan
  • Magkaroon ng espasyong maiikutan ng wheelchair,
  • Magkaroon ng daanan para sa wheelchair

Mga kalyeng may slope na lampas 5%

Kung makakakuha ang iyong negosyo ng permit sa Pinagbabahagiang Espasyo sa isang kalsada na lampas 5% grade, makakatanggap ka ng karagdagang impormasyon sa accessibility kasama ng iyong permit.

Hindi dapat lumampas sa 2% ang slope at cross-slope ng mga accessible na lugar. Sa ilang kaso, makakatulong ang isang platform o deck sa pagtugon sa mga ipinag-aatas para sa accessibility ng slope at cross-slope. 

Dapat mong isagawa ang mga naaangkop na pagkilos para maging accessible at ligtas.

Mga pangkaligtasang protokol sa outdoor na pag-dine in

Tingnan ang lahat ng pangkaligtasang protocol tungkol sa pagpapatakbo ng outdoor na restaurant.

Mag-ulat ng paglabag sa paggamit ng sidewalk o parking lane

Sundin ang mga tagubilin na ito kung makakakita ka ng mga negosyo na hindi sumusunod sa mga panuntunan sa paggamit ng espasyo sa sidewalk o parking lane.

Last updated July 23, 2020