Anong gagawin
1. Tingnan ang mga panuntunan
Mga Negosyo
- Magpapaskil ng kopya ng permit sa mga oras ng negosyo
- Sumunod sa mga protocol sa physical distancing
- Sumunod sa mga lokal, pang-estado at pederal na ipinag-aatas sa accessibility.
- Huwag harangan ang sidewalk sa tabi ng bus stop, blue curb zone, white curb zone, o bike rack
- Panatilihing walang nakaharang sa mga curb ramp, pinto, driveway, fire escape, at koneksyon ng Fire Department
- Panatilihing walang basura, debris, at tirang pagkain ang sidewalk, sa lahat ng pagkakataon
Kung nakakita ka ng mga paglabag sa mga panuntunan na ito, puwede kang tumawag sa 311.
2. Tawagan ang 311
Magsumite ng reklamo online kung makakita ka ng negosyong maaaring lumalabag sa mga panuntunan sa permit ng Shared Spaces.
Magbigay ng maraming impormasyon hangga't posible, kasama ang:
- Pangalan ng negosyo o organisasyon
- Address
- Ang nakita mo
- Kailan mo ito nakita
Kapag tumawag ka sa 311, ire-refer namin ang iyong reklamo sa naaangkop na ahensya ng Lungsod.
311
3. Pagkatapos mong tumawag
Ipapadala namin ang mga reklamo sa Team sa Edukasyon at Pagtugon ng Komunidad (Community Education and Response Team, CERT) ng Komisyon sa Libangan (Entertainment Commission).
Susuriin ito ng CERT at pagtutuunan nito ng pansin ang pagbibigay-kaalaman at pagtulong sa negosyo para makasunod ito.
Kung hindi pa rin sumusunod ang isang negosyo sa mga panuntunan ng permit, ipapadala ang reklamo sa Ahensya ng Municipal Transportation (Municipal Transportation Agency, MTA), Departamento ng Mga Pagawaing Bayan (Department of Public Works, DPW), o sa Opisina ng Meyor para sa may Kapansanan (Mayor’s Office on Disability, MOD) para sa resolusyon.
Last updated September 27, 2022