Maaaring kailangan mong sumilong sa loob kung may mga wildfire o matitinding temperatura. Mas madaling kumakalat ang COVID-19 indoors, kung saan marami ang humihinga. Gamitin ang mga hakbang na ito upang protektahan ang sarili mo at ang iba laban as COVID sa bahay o habang nasa malinis na site ng hangin o cooling center.
Mayroon din tayong patnubay para sa pagpapatakbo ng site ng matinding lagay ng panahon.
Matinding init
Ang matinding init ay maaaring maging mapanganib. Ang matinding init ay maaaring makapagpapagod sa iyo o magpalala sa mga kundisyon sa kalusugan. Maaaring magbanta sa buhay ang heat stroke. Ang mga mas nakakatandang tao at iba pang grupo ay maaaring nasa mas malaking panganib sa matinding init. Maraming taga-San Francisco ang hindi sanay sa napakainit na panahon. Marami ang walang access sa air conditioning sa bahay, o nakakaranas ng kawalan ng tirahan. Alamin ang mga senyales ng babala para sa sakit na nauugnay sa init.
Sundin ang patnubay sa sf72.org at sundin ang mga tip para sa pananatiling malusog sa matinding init. Ang pagbisita sa isang cooling center ay makakatulong sa iyong makawala sa init kung wala kang air conditioning.
Mas maging ligtas laban sa COVID-19 kapag bumibisita ka sa isang cooling center:
- Magpabakuna laban sa COVID-19, at at magpa-booster kapag kwalipikado.
- Dapat kang magsuot ng mask sa cooling center. Lubos din naming inirerekomendang magsuot ng mask habang sumasakay sa pampublikong transportasyon o isang ride share upang makarating doon.
- Subukang magbigay ng 6 na talampakang layo sa mga taong hindi mo kasama sa bahay.
- Hugasan ang iyong mga kamay kapag pumapasok sa isang bahay o silungan, bago at pagkatapos kumain, at pagkatapos gumamit ng banyo. Kung walang magagamit na sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer.
- Sumunod sa higit pang payo sa pananatiling ligtas sa mga pampublikong silungan.
- Magplano nang maaga para sa iyong mga pangangailangan habang nasa o pagkatapos ng matinding lagay ng panahon, lalo na kung mayroon kang mga medikal na pangangailangan o kung maaari kang mahirapang makakuha ng mga serbisyo. Sundin ang payo ng CDC para sa kung paano maghanda.
Pananatiling ligtas sa init kung mayroon kang COVID-19
Kung ikaw ay nag-a-isolate dahil sa COVID-19 o may sakit, hindi ka maaaring gumamit ng cooling center o mas malinis na site ng hangin. Kung sumasama ang pakiramdam mo dahil sa init, humingi ng medikal na atensyon.
Kung walang lugar kung saan ka maaaring mag-isolate, ang COVID-19 resource center ay makakatulong. Tawagan sila sa 628-652-2700.
Usok ng wildfire o hanging hindi maganda sa kalusugan
Ang usok at abo mula sa mga wildfire ay maaaring makairita sa iyong mga mata, ilong, lalamunan, at baga, at magpahirap sa paghinga. Kung mayroon kang COVID-19, maaaring mapalala ito ng usok ng wildfire.
- Subaybayan ang kalidad ng hangin.
- Sundin ang mga tip mula sa CDC tungkol sa kung paano maghanda at kung ano ang gagawin kapag masama sa kalusugan ang hangin.
- Maaari kang gumawa ng mas malinis na espasyo ng hangin sa bahay sa pamamagitan ng pagsasara ng lahat ng bintana at pinto upang hindi papasukin ang usok ng wildfire. Sundin ang mga tip na ito para sa kung paano linisin ang hangin sa loob ng iyong bahay at pumili ng air cleaner. Ang isang magandang filter para sa iyong HVAC ay makakatulong, kung kaya ito ng iyong HVAC system.
- Magsuot ng mask kapag lumabas ka kung hindi maganda sa kalusugan an hangin. Sundin ang payo para sa kung aling mga uri ng mask ang may mas magandang filtration. Mas lalong mahalaga ang mask na may mas magandang filtration kapag hindi maganda sa kalusugan ang hangin.
Pananatiling ligtas sa hanging hindi maganda sa kalusugan kung mayroon kang COVID-19
Kung ikaw ay nag-a-isolate dahil sa COVID-19 o may sakit, hindi ka maaaring gumamit ng cooling center o mas malinis na site ng hangin. Kung walang lugar kung saan ka maaaring mag-isolate, ang COVID-19 resource center ay makakatulong. Tawagan sila sa 628-652-2700.
Alamin ang pagkakaiba ng mga sintomas mula sa pagkalantad sa usok at sa COVID-19.
Matinding init at hanging hindi maganda sa kalusugan
Kung napakainit at hindi maganda sa kalusugan ang hangin, magpalamig muna bago subukang kumuha ng mas malinis na hangin. Mas mapanganib para sa iyong kalusugan ang init. Halimbawa, kung napakainit sa loob ng iyong bahay, maaaring kailangan mong magbukas ng bintana upang papasukin ang mas malamig na hangin, at magsuot ng magandang mask upang i-filter ang hanging hindi maganda sa kalusugan.