Anong gagawin
Alamin kung saan makakakuha ng mga bakuna sa COVID-19 at trangkaso
Kung may insurance ka:
- Tanungin ang iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan para sa parehong mga bakuna.
- Makukuha mo rin ang bakuna sa CVS, Walgreens, Safeway, Costco, o iba pang retail na parmasya. Mag-book online para matiyak na mayroon ng bakuna ang iyong tindahan.
- Sakop ang mga bakuna kung makukuha mo ang mga ito sa mga lugar na tinatanggap ang iyong insurance.
Kung wala kang insurance:
Mag-sign up upang makakuha ng pangangalaga sa San Francisco Health Network1<87/>1.. Ipapa-enroll ka nila sa saklaw sa kalusugan kung wala kang insurance. Kapag nasasakop ka na, matatanggap mo ang lahat ng inirerekomendang bakuna, kabilang ang mga bakuna sa COVID-19 at mga bakuna laban sa trangkaso, at makakatanggap ka rin ng pangangalaga para sa iyong iba pang pangangailangang pangkalusugan.
Kahit na wala kayong insurance, sumangguni sa inyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan upang makita kung mayroon silang mga bakunang COVID-19 at trangkaso nang walang bayad.
Makakahanap ka rin ng mga lokasyon para sa libreng bakuna sa COVID-19 at trangkaso para sa mga taong walang insurance sa ibaba.
Mga libreng lokasyon ng bakuna sa COVID -19 at trangkaso para sa mga hindi insured
Mga libreng lokasyon ng bakuna sa COVID -19 at trangkaso para sa mga hindi insured
Ang mga lokasyong ito ay magbibigay ng libreng bakuna para sa mga taong walang health insurance at nakatira sa SF. Ang mga taong nakatira sa ibang mga county ay dapat magtanong sa kanilang lokal na departamento ng kalusugan.
Lingguhang lokasyon
Nag-o-operate ang mga lokasyon na ito batay sa lingguhang iskedyul:
Zuckerberg San Francisco General Hospital
1001 Potrero Ave, Building 5, 1st Floor (ng ATM/Lucky Cafe)
Lunes hanggang Biyernes 8:30am hanggang 12pm, 1pm hanggang 6pm (walk-in)
Mga bakuna laban sa COVID-19 at flu para sa edad 19 pataas
AITC Immunization & Travel Clinic
101 Grove St, Room 102
Huwebes at Biyernes 9am hanggang 12pm, 1:30pm hanggang 4pm (kailangan ng appointment, magpaiskedyul online)
Mga bakuna laban sa COVID-19 at flu para sa edad 12 pataas
Glide
330 Ellis St (parking lot)
Huwebes 12pm hanggang 4pm (walk-in)
Telepono: 628-226-8675
Mga bakuna laban sa COVID-19 at flu para sa edad 12 pataas
Code Tenderloin
1221 Mission St
Sabado 11am hanggang 3pm (walk-in)
Telepono: 628-226-8675
Mga bakuna laban sa COVID-19 at flu para sa edad 12 pataas
Golden Gate Pharmacy
1836 Noriega St
Lunes hanggang Biyernes: 9:15am hanggang 6pm, Sabado: 9:30am hanggang 3pm
Telepono: 415-661-0790
Mga bakuna laban sa COVID-19 para sa edad 19 pataas
Solano Pharmacy
1021 Mission St
Lunes hanggang Biyernes: 9am hanggang 6pm, Sabado: 9am hanggang 5pm
Telepono: 415-874-9999
Mga bakuna laban sa COVID-19 para sa edad 19 pataas
Mga espesyal na event
One Treasure Island
850 Ave I
Martes, Disyembre 17: 3pm hanggang 5pm
COVID-19 at mga bakuna sa trangkaso para sa edad 12 pataas
Latino Task Force
701 Alabama St
Biyernes, Disyembre 20: 12pm hanggang 4pm
COVID-19 at mga bakuna sa trangkaso para sa edad na 12 pataas
Tingnan ang page na ito para sa mga update sa mga lokasyon at oras.
Kailan makakakuha ng updated na mga bakuna sa COVID-19 at trangkaso
Planuhin ang pagkuha ng iyong bakuna sa trangkaso sa katapusan ng Oktubre. Ito ay dahil ang panahon ng trangkaso ay maaaring magsimula sa unang bahagi ng Nobyembre.
Ligtas na makuha ang COVID-19 na bakuna kasabay ng bakuna laban sa trangkaso.
Alamin kung dapat kang magpabakuna laban sa RSV
Isang bagong bakuna ang lumabas noong 2023 na nagpoprotekta laban sa RSV. Ang RSV ay isa pang virus na nagdudulot ng sakit na katulad ng sipon. Pero minsan, maaaring lumubha ang sakit mula sa RSV at kailanganing maospital ng mga sanggol at may katandaan..
Dahil dito, ang bakuna sa RSV ay inirerekomenda para sa ilang mga grupo:
Mga matatanda:
Ang mga may sapat na gulang na 75 at mas matanda ay dapat makakuha ng bakuna sa RSV.
Ang mga may sapat na gulang na 60-74 na may mas mataas na panganib ng malubhang RSV, ay dapat ding makakuha ng bakuna sa RSV.
- Ang tumaas na panganib ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng talamak na sakit sa puso o baga, ilang iba pang malalang kondisyong medikal, o paninirahan sa isang nursing home o iba pang pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga.
Kung nakatanggap ka ng bakuna sa RSV noong nakaraang taon, hindi mo kailangan ng isa pang dosis sa taong ito.
Mga buntis:
- Ang lahat ng nagbubuntis ay dapat makakuha ng bakuna sa pagitan ng linggo 32 at 36 ng pagbubuntis kung ang mga linggong iyon ay nasa sa pagitan ng Setyembre at Enero. Nagbibigay ito sa iyong sanggol ng immunity laban sa RSV sa panahon ng RSV.
Sakop ng insurance ang mga bakuna sa RSV.
Espesyal na mga kaso
Mga bakuna sa COVID-19 para sa mga taong hindi makaalis ng kanilang tahanan (hindi makalabas ng bahay)
Mga bakuna sa COVID-19 para sa mga taong hindi makaalis ng kanilang tahanan (hindi makalabas ng bahay)
Ang Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco ay may limitadong kapasidad ngayong taglagas upang mabakunahan ang mga indibidwal sa kanilang mga tahanan. Kung hindi ka makakaalis sa iyong tahanan upang tumanggap ng bakuna, subukan munang tanungin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pagkuha nito sa iyong susunod na pagbisita sa pangangalagang pangkalusugan, o kung maaari silang pumunta sa iyong tahanan upang mabakunahan ka.
Kung hindi ka mababakunahan ng iyong provider, at gusto mong makakuha ng na-update na bakuna sa COVID-19 para sa 2024-25, mangyaring tumawag sa 415-554-2830 o mag-email sa mobilevac@sfdph.org upang makapagpaiskedyul ng appointment.
Ang maikling URL para sa pahinang ito ay sf.gov/covidvax.
Last updated December 13, 2024