Magpa-test at magpagamot para sa COVID-19

Kung masama ang pakiramdam mo, magpa-test kaagad. Kung positibo ang test mo, magsimulang maggamot para maiwasan ang malubhang sakit.

Anong gagawin

Kumuha ng gamot kung positibo ang test

Kung nagpositibo ang test mo, kumilos kaagad para kumuha ng gamot para maiwasang lumubha ang sakit.

Inirerekomenda ang gamot sa COVID-19 para sa karamihan ng mga nasa hustong gulang at ilang teenager.

Kung nasuring negatibo ka at masama pa rin ang pakiramdam, magpasuri muli sa loob ng 1-2 araw. Ang mga taong nasa mas mataas na panganib para sa malubhang COVID-19 ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang tagapangalaga ng kalusugan kung masama pa rin ang pakiramdam nila, kahit na patuloy silang nagnenegatibo sa test. Sa ganitong paraan, makakatulong ang tagapangalaga sa pagpapasya kung kailangan ng karagdagang pagsusuri.


Kung wala kang insurance

Maaari mong makuha ang gamot nang libre sa pamamagitan ng paggamit ng isang programa ng tulong sa pasyente. Alamin ang higit pa.


Kung mayroon kayong Medi-Cal

Ang gamot ay libre para sa mga miyembro ng Medi-Cal.

Ang mga miyembro ng Medi-Cal ay may mga libreng pagpapatingin sa telepono sa isang doktor 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo. Maaari kang makakuha ng paggamot sa pamamagitan ng telepono.


Kung mayroon kang ibang insurance

Makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan at humingi ng gamot.

Sinasaklaw ng insurance ang gamot. Alamin ang higit pa.

Makakuha ng mga COVID-19 at-home test

Ang iyong insurance ay maaaring magbigay sa iyo ng mga libreng at-home test. Sinasaklaw ng Medi-Cal ang hanggang 8 libreng pagsusuri bawat buwan. Alamin ang higit pa.

Maaari ka ring bumili ng mga at-home test sa mga tindahan at parmasya.

Maaari ninyong gamitin ang mga at-home test pagkatapos ng kanilang petsa ng pag-expire

Maaari ninyong gamitin ang mga at-home test pagkatapos ng kanilang petsa ng pag-expire

 

Karamihan sa mga at-home test ay maaaring ligtas na gamitin sa nakalipas na petsa sa kahon. Alamin kung pinalawig ng FDA ang petsa ng pag-expire para sa inyong mga at-home test.

Kung kailangan mo, maaari kang gumamit ng na-expire na test hanggang sa makakuha ka ng mga bago, hangga't gumagana ang control line. Tingnan ang iyong mga tagubilin sa test para sa mga detalye tungkol sa control line.

Humingi ng tulong

Kumuha ng Medi-Cal

Kwalipikado ka para sa Medi-Cal kung kumikita ka nang mas mababa sa $20,783 bawat taon. Kwalipikado ka anuman ang katayuan sa imigrasyon.

Mag-apply para sa Medi-Cal

Last updated September 16, 2024