Mga Serbisyo para sa Pagsasalin

May mga kawaning nagsasalita ng iba’t ibang wika ang Rent Board (Lupon para sa Pagpapaupa). Bukod sa Ingles, madalas na puwede ring makakuha ng pagpapayo sa mga sumusunod na wika: Espanyol, Cantonese at Mandarin. Kung gusto ninyong makipag-usap sa isang tao gamit ang isa sa mga wikang ito, tawagan ang aming linya ng telepono para sa pagpapayo (phone counseling line) o bisitahin ang aming opisina sa mga regular na oras ng trabaho. Mayroon din kaming serbisyo ng pagsasalin sa telepono na makukuha sa 20 wika, na para sa mga limitado ang kakayahan sa Ingles. 

Kung pinaplano ninyong dumalo ng hearing (pagdinig) o mediation (pamamagitan) sa Rent Board, itinatakda sa inyong magdala ng sariling tagasalin. Hindi nagkakaloob ang mga kawani ng Rent Board ng serbisyo sa pagsasalin sa mga hearing o mediation. Gayon pa man, kung hindi ninyo kayang magbayad para sa mga serbisyo ng tagasalin, kukuha ang Rent Board ng tagasalin para sa inyo matapos mapatunayan ang inyong pinansiyal na kagipitan. Puwedeng makakuha ng hardship application (aplikasyong nagsasaad ng pinansiyal na kagipitan) para sa mga serbisyo ng tagasalin sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisina sa mga regular na oras ng trabaho.  Puwede ring makuha ang form na Hardship Application for Interpreter (Aplikasyong Nagsasaad ng Pinansiyal na Kagipitan para Makakuha ng Serbisyo ng Tagasalin) sa Forms Center (Sentro para sa mga Form o Sinasagutang Papel) na nasa aming website. Kailangang mai-file ang Hardship Application nang hindi bababa sa 72 oras bago ang hearing o mediation.

May makapupunta ring tagasalin sa American sign language (wika ng pagsenyas) kapag hiniling ito 72 oras bago ang pangangailangan.

Last updated February 27, 2024

Department