Anong gagawin
Malapit na pakikiugnay
Kung nagkaroon ka ng malapit na pakikipag-ugnayan o potensyal na pagkalantad sa isang taong nagpositibo o may sakit na COVID-19, maaaring mayroon ka ng virus. Maaari mong mapababa ang panganib ng pagkalat sa pamamagitan ng paglayo sa iba, lalo na sa mga taong may malaking panganib na lubhang magkasakit. Sundin ang mga hakbang na ito para sa pagsusuri at pagsusuot ng mask.
Hindi masama ang pakiramdam pero positibo ang test
Kung wala kang sintomas pero nagpositibo ka sa COVID-19, dapat kang manatili sa bahay at lumayo sa ibang tao nang kahit 5 araw. Ang ika-0 araw ay kung kailan ka unang nagpositibo sa test. Puwede mo nang ihinto ang paghiwalay sa ika-6 na araw.
Dapat kang magsuot ng mask na maayos ang pagkakalapat anumang oras na kailangan mong lumapit sa ibang tao hanggang sa ika-11 araw.
Bago ang ika-11 araw, puwede mo lang hubarin ang iyong mask kapag may kasama kang ibang tao kung nagkaroon ka ng dalawang negatibong rapid antigen test na may kahit isang araw na pagitan. Kung positibo pa rin ang mga antigen test, posibleng nakakahawa ka pa rin at dapat mong ituloy ang pagsusuot ng mask mo hanggang sa ika-11 araw.
Kung hindi ka magpapasuri ulit, o manatili sa bahay at lumayo sa ibang tao sa loob ng 10 araw mula noong una kang nagpositibo.
Masama ang pakiramdam at positibo ang test
Kung mayroon kang mga sintomas at nagpositibo ka sa COVID-19, manatili sa bahay at lumayo sa ibang tao nang kahit 5 araw. Ang ika-0 araw ay kung kailan nagsimula ang iyong mga sintomas.
Pagkalipas ng 5 araw (sa ika-6 na araw o sa susunod pa), puwede ka nang umalis ng bahay kapag:
- Wala kang lagnat sa huling 24 na oras nang hindi gumagamit ng mga gamot na pampababa ng lagnat
- Bumubuti na ang iyong mga sintomas
Dapat kang magsuot ng mask na maayos ang pagkakalapat anumang oras na kailangan mong lumapit sa ibang tao hanggang sa ika-11 araw.
Bago ang ika-11 araw, puwede mo lang hubarin ang iyong mask kapag may kasama kang ibang tao kung nagkaroon ka ng dalawang negatibong rapid antigen test na may kahit isang araw na pagitan. Kung positibo pa rin ang mga resulta ng antigen test, posibleng nakakahawa ka pa rin at dapat mong ituloy ang pagsusuot ng mask mo hanggang sa ika-11 araw.
Kung minsan, puwedeng lumala ang iyong mga sintomas pagkatapos bumuti ang mga ito. Kung mangyayari ito, dapat kang magpa-antigen test ulit. Kung positibo ito, dapat kang lumayo sa ibang tao sa loob ng susunod pang 5 araw.
Hindi binabago ng paggamit ng gamot para sa COVID-19 ang tagal kung kailan ka dapat manatili sa bahay at lumayo sa ibang tao.
Masama ang pakiramdam pero hindi pa nagpa-test
Kung mayroon kang mga sintomas ngunit hindi ka pa nagpapasuri para sa COVID-19, inirerekomendang manatili sa bahay at lumayo sa ibang tao hanggang sa magpasuri ka. Magpasuri sa lalong madaling panahon.
Dapat kang magsuot ng mask na maayos ang pagkakalapat tuwing kailangan mong makasama ang ibang tao.
Kung gagamit ka ng rapid antigen test sa loob ng unang 1 o 2 araw na masama ang pakiramdam mo at negatibo ito, dapat kang:
- Magpatuloy na lumayo sa ibang tao
- Magpasuri ulit pagkalipas ng 1 o 2 araw
Kung negatibo rin ang ika-2 pagsusuri ngunit masama pa rin ang pakiramdam mo, maaari kang manatili sa bahay hanggang sa bumuti ang pakiramdam mo.
Kung magpopositibo ka anumang oras habang masama ang pakiramdam mo, dapat kang manatili sa bahay at lumayo sa ibang tao at sumunod sa patnubay sa itaas.
Magpagamot para sa COVID-19
Maaari kang maging kwalipikado para sa mga gamot para sa COVID-19 kung mayroon kang malaking panganib ng malubhang sakit. Alamin kung paano makakuha ng maagang paggamot.
Para sa medikal na tulong
Hindi na kailangang dalhin sa ospital ang karamihan sa mga may COVID-19. Para sa mga tanong tungkol sa iyong mga sintomas, tawagan ang iyong doktor. Kung wala kang anuman, kumuha ng appointment sa kalusugan.
Narito ang mga pang-emergency na senyales ng babala na kailangan mo ng agarang medikal na tulong:
- Hirap huminga
- Patuloy na pananakit o paninikip ng dibdib
- Bagong pagkalito o pagkahilo
- Kawalan ng kakayahang gumising o manatiling gising
- Namumutla o nangingitim na balat, labi o mga kuko, depende sa kulay ng balat
Kung nararanasan mo ang mga sintomas na ito, tumawag sa 911 at sabihin sa kanilang mayroon kang COVID-19.
Para sa tulong sa kung paano ligtas na lumayo sa iba
Tawagan ang Warmline ng Impormasyon tungkol sa COVID-19 sa 628-652-2700 kung ikaw ay:
- Walang tirahan o nakakaranas ng kawalan ng tirahan
Susuriin ng tauhan ang sinumang humihiling ng kuwarto.
Kung wala kang makaugnayan na tao, mag-iwan ng mensahe.
Huwag tumawag upang mag-ulat ng positibong resulta mula sa pagsusuri sa bahay.
Maaari ka ring tumawag sa 211 para sa tulong sa iba pang serbisyo, kabilang ang suporta sa kalusugan ng pag-iisip.
Maghanap ng iba pang serbisyo at resource para sa COVID-19 sa Lungsod at County ng San Francisco.
Bumalik sa trabaho
Sundin ang patnubay mula sa iyong employer. Ayon sa batas ng estado, kailangang hindi ka pagtrabahuhin ng iyong employer habang may COVID-19 ka.
Espesyal na mga kaso
COVID-19 sa mga paaralan, pangangalaga sa bata, at programa para sa kabataan
COVID-19 sa mga paaralan, pangangalaga sa bata, at programa para sa kabataan
Kung ang isang tao sa paaralan, pangangalaga sa bata, o programa para sa kabataan ay may COVID-19 o kung may posibilidad ng exposure (pagkalantad), sundin ang aming patnubay para sa mga tauhan at pamilya.
Maaaring piliin ng mga indibidwal na paaralan na magkaroon ng mga karagdagang panuntunan o patakaran na dapat ding sundin ng mga pamilya.
Mga taong nakatira o nagtatrabaho sa mga lugar na may mataas na panganib
Mga taong nakatira o nagtatrabaho sa mga lugar na may mataas na panganib
Ang mga healthcare worker at mga taong nakatira at nagtatrabaho sa ilang lugar na malaki ang panganib (mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga, kulungan) ay maaaring may ibang mga panuntunan para sa pananatili sa bahay kapag may COVID-19.
Kung nakatira o nagtatrabaho ka sa isang silungan o kulungan, dapat mong sundin ang mga panuntunan mula sa iyong employer para sa pananatili sa bahay kapag may impeksyon ng COVID-19.
Anong uri ng pagsusuri ang dapat mong gamitin kapag nagkaroon ka ng COVID-19
Anong uri ng pagsusuri ang dapat mong gamitin kapag nagkaroon ka ng COVID-19
Mas mahusay ang mga rapid antigen test kaysa mga PCR test upang matulungan kang malaman kung okay lang na umalis sa iyong bahay pagkatapos magkaroon ng COVID-19.
Nagsusuri ang mga antigen test para sa virus na maaaring kumalat sa ibang tao. Maaaring manatiling positibo ang mga PCR test nang ilang linggo pagkatapos ng impeksyon, ngunit hindi palaging nangangahulugan ang mga ito na maikakalat mo pa rin ang virus sa ibang tao.
Humingi ng tulong
Phone
Magpatulong sa pagkain, pabahay, o iba pang pangangailangan.
Warmline ng Impormasyon tungkol sa COVID-19 ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco
Humingi ng tulong sa pananatiling ligtas na malayo sa iba
Last updated March 28, 2023