Step by step

Kumuha ng building permit para magsagawa ng Soft Story retrofit

Sundin ang mga instruksyong ito para sa mga permit sa Soft Story.

Sinusuri ng Departamento ng Inspeksyon ng mga Gusali ang bawat aplikasyon sa building pemit para sa kaligtasan ng buhay at pagsunod sa building code.

Karamihan ng proyektong Soft Story ay puwedeng suriin nang over-the-counter. Suriin ang aming mga instruksyon para ihanda ang mga tamang form at mag-book ng oras para magsumite ng inyong aplikasyon sa building permit.

1

Tingnan kung mandatoryong Soft Story ang inyong proyekto

Ang ilang wood-frame, multi-family na gusali sa San Francisco ay nangangailangan ng mga seismic upgrade ayon sa mandatoryong programa ng Soft Story.

Hanapan ang listahan ng mga propyedad sa Soft Stories para makita kung apektado kayo.

Matuto tungkol sa programa ng Soft Story

Magpakita ng higit pa
2

Gumawa ng mga plano mo

Kumuha ng designer, arkitekto, o engineer na maghahanda ng inyong mga plano.

Magdala ng 2 set ng of plano kapag isinumite ninyo ang inyong aplikasyon sa building permit.

Mag-email sa techq@sfgov.org kung hindi kayo sigurado kung kailangan ng mga plano ng inyong proyekto.

Gawin ang inyong mga plano sa proyektong gusali

 

Magpakita ng higit pa
3

Sagutan ang mga form tungkol sa inyong papel sa proyekto

Kailangan naming malaman ang papel ninyo sa proyekto para makapag-apply kayo para sa isang OTC permit.

Piliin ang form na naaangkop sa inyo.

I-print at dalhin ang mga ito kapag nag-apply kayo para sa isang building permit.

Magpakita ng higit pa
4

Sagutan ang form ng aplikasyon

Mangangailangan kayo ng mga detalye ng propyedad at konstruksyon para masagutan ang aming aplikasyon sa building permit.

Magpakita ng higit pa
at

Punan ang form ng Green Energy

Ang lahat ng aplikasyon sa building permit ay dapat makasagot sa aming mga form sa Green Energy.

Magpakita ng higit pa
5

Isumite ang inyong aplikasyon

Time:

2 hanggang 8 oras

Pumunta sa Permit Center para isumite ang inyong aplikasyon.

Kung nangangailangan ng mga plano ang inyong proyekto, magdala ng 2 set ng plano kapag isinumite ninyo ang inyong aplikasyon sa building permit.

Susuriin namin ang inyong aplikasyon, susuriin ang inyong mga plano, at iruruta ang inyong aplikasyon sa mga kinakailangang station. Makakatanggap kayo ng numero ng aplikasyon sa building permit.

Maaaring kailangan ninyong bumalik sa ibang araw para tapusin ang inyong mga plano.

Magpakita ng higit pa
at

Suriin ulit ang inyong mga plano

Maaaring kailangan ninyong i-update ang inyong mga plano para matugunan ang mga komento sa pagsusuri ng plano.

Kung kailangan ninyong baguhin ang inyong mga plano, ipatingin ulit ang inyong mga plano sa tagasuri ng plano mula sa una ninyong pagsusuri. Magpa-iskedyul sa tagasuri ng inyong plano sa pamamagitan ng email.

Magpakita ng higit pa
6

Kumuha ng mga kaugnay na permit

Sa panahon ng inyong proseso ng pagsusuri ng permit, posibleng kailangan din ninyong:

  • Kumuha ng street space permit
  • Mag-aplay para sa mga trades permit

Para sa mga rehistradong kontratista, gumamit ng mga instant na online permit para sa elektrikal at pagtutubero.

Magpakita ng higit pa
7

Bayaran ang mga natitira ninyong bayarin at kunin ang inyong job card

Cost:

3 hanggang 4.5% ng gastos sa konstruksyon

Gamitin ang aming checklist ng mga dapat dalhin para makuha ang inyong job card para sa naibigay na permit.

May job card dapat kayo bago kayo magsimula ng konstruksyon.

Ipaskil ang inyong dokumento para sa konstruksyon sa lugar ng konstruksyon.

Tumawag o mag-email sa amin para maiskedyul ang mga naaangkop na inspeksyon habang isinasagawa ang inyong proyekto ng konstruksyon.

Magpakita ng higit pa

Last updated May 19, 2022