Ang ating tugon sa emergency ng coronavirus ay batay sa data, agham, at totoong impormasyon. Ang data at mga dashboard ay nakakatulong sa ating makita ang buong sitwasyon sa COVID-19 sa ating komunidad. Sinusubaybayan namin ang mga bagong kaso, pagkakaospital, at pagbabakuna para masukat ang ating pag-unlad.
Naninindigan tayo sa pagbibigay ng tumpak at maaasahang data sa publiko. Ang impormasyong ito ay mula sa ilang departamento at external na partner ng Lungsod. Nagbibigay ng mga detalye ang mga tala ng data sa bawat pahina at ipinapaliwanag nito ang mga limitasyon ng data.
Nakakatulong ang mga vaccine booster na mabawasan ang paglaganap ng COVID-19 at makapagbigay-proteksyon laban sa malalang sakit at pagkakaospital. Makikita na ngayon dito ang data tungkol sa mga residente ng San Francisco na nabakunahan ng isang dosis ng vaccine booster laban sa COVID-19.
Hinihikayat ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ang pagbabakuna at pagsusuot ng mask indoor anuman ang status ng pagbabakuna. Makikita na ngayon dito ang dami ng kaso batay sa status ng pagbabakuna. Matuto pa tungkol sa dami ng naoospital dahil sa COVID-19 batay sa status ng pagbabakuna.
Masusing sinusubaybayan ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco ang mga kaso ng COVID-19 sa mga bata at sa mga paaralan at nagbibigay ito ng mahahalagang resource sa pampublikong kalusugan sa mga komunidad sa San Francisco. Matuto pa tungkol sa pinakabagong data tungkol sa COVID-19 sa mga bata at paaralan sa San Francisco.
Data
Mga kaso at pagkamatay
Mga kaso at pagkamatay sa COVID-19 sa San Francisco, kasama ang mga bagong kaso at pinagsama-samang kabuuan.
Mga mapa ng kapitbahayan ng San Francisco ng mga rate ng kaso ng COVID-19.
Kasama sa data ng kaso ng COVID-19 sa San Francisco ang edad, lahi, seksuwal na oryentasyon, at pagiging walang tirahan.
Subaybayan ang mga kaso ng COVID-19 at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa mga residente ng mga hotel na may single room occupancy.
I-track ang bilang ng mga kaso ng covid at mga namatay sa mga residente ng mga skilled nursing facility.
Mga Pagbabakuna
Alamin ang bilang ng mga nabakunahang residente at bilang ng bakunang ibinigay sa lungsod.
Mag-explore ng mga mapang nagpapakita kung gaano karaming tao ang bakunado sa bawat kapitbahayan sa San Francisco.
Alamin ang lahi, pinagmulan, at edad ng mga nakatira sa San Francisco na nabakunahan na.
Pagsusuri
Data ng pagsusuri sa COVID-19 sa San Francisco, kasama na ang mga pagsusuring nakuha sa buong lungsod at rate ng pagpositibo sa pagsusuri.
Mga mapa ng mga rate ng pagsusuri sa COVID-19 at rate ng nagpositibo sa pagsusuri sa mga kapitbahayan ng San Francisco.
Nagpapakita ang page na ito ng mga rate ng COVID-19 testing at rate ng pagpopositibo ayon sa lahi at etnisidad
Mga Pagkakaospital
Mga kaso ng COVID-19 na naospital sa mga acute care at intensive care unit sa San Francisco.
Alternatibong pabahay at masisilungan
Namumuhunan ang Plano sa Pagbawi sa Kawalan ng Tirahan ni Alkalde London N. Breed sa mas maraming pabahay at shelter.
Papalawakin ng San Francisco ang mga shelter at Safe Sleep site para sa mga taong walang tirahan pagkatapos ng COVID-19.
Alamin ang tungkol sa mga bagong pansamantalang tirahan at hotel na binuksan sa panahon ng pandemya.
Tinutulungan ng San Francisco ang mga indibidwal na walang tirahan para makahanap sila ng pabahay pagkatapos manatili sa mga SIP hotel.
Muling pagbubukas ng paaralan
Sinusubaybayan kung aling mga paaralan sa San Francisco ang muling nagbubukas para sa harapang pag-aaral.
Mga kaso at transmisyon ng COVID-19 sa mga paaralan
Mga programa ng pakain
Alamin kung paano gumawa ang San Francisco ng mga bagong programa para makatulong sa mga residente na magkaroon ng access sa pagkain sa panahon ng pandemya.