Magparehistro para makaboto

Maaari kayong magparehistro online o sa papel.

Elihibilidad 

Upang magparehistro para makaboto sa San Francisco, kailangang kayo’y:

  1. Residente ng San Francisco at, sa karamihan ng mga labanan, isang mamamayan ng Estados Unidos
  2. Hindi bababa sa 18 taong gulang sa petsa ng susunod na eleksyon
  3. Wala sa bilangguang pang-estado o pampederal dahil nahatulan ng isang krimen
  4. Hindi napatunayan ng hukuman na wala sa maayos na katinuan ang pagiisip para makaboto

 

Mga opsiyon sa pagpaparehistro

May 3 kayong opsiyon:   

1. Ang online na aplikasyon sa pagpaparehistro ng botante

Maaari kayong magparehistro na bumoto online hanggang sa deadline ng pagpaparehistro.

Kung wala kayong lagda sa file ng DMV, kailangan ninyong i-print, pirmahan, at ibalik ang aplikasyon sa pamamagitan ng koreo o sa personal.

2. Ang papel na aplikasyon sa pagpaparehistro ng botante

Maaari kayong kumuha ng aplikasyon sa papel mula sa aming opisina, sa post office, o sa aklatan. Maaari din ninyong makontak kami para makakuha ng aplikasyon sa pamamagitan ng koreo. Punan at ibalik ang aplikasyon bago matapos ang deadline ng pagpaparehistro.

3. Ang aplikasyon sa kundisyonal na pagpaparehistro ng botante

Maaari kayong bumisita sa Sentro ng Botohan sa City Hall o sa isang lugar ng botohan at sabihin sa kawani ng botohan na nais ninyong magparehistro at bumoto. Maaaring magamit ang opsiyong ito matapos ang deadline ng pagpaparehistro hanggang 8 p.m. sa Araw ng Eleksyon.

 

Pagkatapos ninyong magparehistrong bumoto 

Maaari ninyong tingnan ang katayuan ng inyong rehistrasyon online. Karaniwang inaabot ng 2 hanggang 3 na araw para maiproseso ang inyong rehistrasyon.

Ipadadala namin sa inyo ang isang Voter Notification Card upang kumpirmahin ang inyong rehistrasyon sa loob ng 2 linggo. Kung may nakita kayong mali sa inyong Voter Notification Card, mangyaring mag-email sa amin o tumawag sa 415-554-4310.

 

Espesyal na mga kalagayan

  • Kung kayo ay 16 o 17 taong gulang, maaari kayong mag-paunang rehistro para bumoto online o gamit ang papel na aplikasyon. Magiging aktibo ang inyong rehistrasyon sa inyong ika-18 na kaarawan.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated December 4, 2024