Mga bagong botante

Alamin kung paano magparehistro at bumoto kung kayo ay boboto sa San Francisco sa kauna-unahang pagkakataon.

Bagong residente ng San Francisco

Kung lilipat kayo sa San Francisco, kailangan ninyong magparehistro para makakuha ng balota. Tingnan ang mga paraan kung paano magparehistro upang makaboto. Kung lilipat naman kayo sa ibang lugar sa San Francisco, siguraduhin na i-update ang inyong rehistrasyon.

Bagong mamamayan ng Estados Unidos

Maligayang pagbati sa pagiging mamamayan ng Estados Unidos! Puwede kayong magparehistro para makaboto sa inyong seremonya ng naturalisasyon o sa ibang pagkakataon. Tingnan ang mga paraan kung paano magparehistro para makaboto.

16 o 17 taong gulang

Bagaman hindi pa kayo puwedeng bumoto hangga't hindi pa kayo 18 taong gulang, maaari na kayong mag-paunang rehistro para makaboto. Sa inyong ika-18 na kaarawan, aaktibahin namin ang inyong rekord bilang botante at magpapadala kami ng sulat ng kumpirmasyon sa iyo. Tingnan kung paano magparehistro para makaboto.

Mga mag-aaral sa kolehiyo

Kung nag-aaral kayo sa isang kolehiyo sa isang county ngunit naninirahan sa iba, puwede kayong magparehistro para makaboto sa isa sa mga county na iyon. Tandaan, maaari lamang kayong bumoto sa isang lugar! Pag-alis ninyo ng kolehiyo, puwede lamang kayong magparehistro sa lugar kung saan kayo nakatira. Tingnan kung paano magparehistro para makaboto.

Deadline ng pagpaparehistro

Ang deadline ng pagpaparehistro ng botante ay 15 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Ngunit ito ay para sa mga aplikasyong ginawa online at sa pamamagitan ng koreo lamang. Kung hindi ninyo naabutan ang deadline at nais ninyong bumoto sa susunod na eleksyon, puwede pa rin kayong magparehistro nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall o sa isang lugar ng botohan.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated February 21, 2024