Paano ligtas na manatili sa bahay nang malayo sa iba

Kapag nag-a-isolate ka dahil sa Covid, sundin ang mga hakbang na ito upang hindi kumalat ang virus kung saan ka nakatira.

Lumayo sa ibang tao

Manatiling mag-isa sa isang kuwarto at gumamit ng banyong walang ibang gumagamit, kung maaari.

Magsuot ng mask at manatiling malayo

Kung kailangan mong maging malapit sa iba, o kung wala kang sariling kuwarto, magsuot ng mask at pagsuotin ng mask ang iba kapag nariyan ka. Magbigay ng 6 na talampakang distansya hangga't posible.

Panatilihing gumagalaw ang hangin

Magbukas ng mga bintana at pinto kung ligtas na gawin iyon. Naiipon ang virus indoors, kaya mainam na magpaikot ng sariwang hangin hangga't maaari.

Kung nakikigamit ka ng banyo

  • Magbukas ng mga bentilador na nagpapalabas ng hangin mula sa banyo
  • Magbukas ng mga bintana
  • Magsuot ng mask
  • Maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo
  • Punasan ng disinfectant ang anumang hinawakan mo

Panatilihing malinis ang katawan

Sundin ang mga tip para sa personal na kalinisan at paglilinis para manatiling malusog sa panahon ng pandemiya ng coronavirus.

Limitahan ang pagdikit mo sa mga alagang hayop.

Kung ikaw ay isang tagapag-alaga

Kung hindi ka makakalayo sa ibang tao dahil ikaw ang kanilang tagapag-alaga, halimbawa, inaalagan mo ang mga bata o nakakatanda sa bahay, dapat kang magsuot ng mask na maayos ang pagkakalapat kapag kasama mo sila.

Last updated May 26, 2022