Mga FAQ para sa mga aplikante na nag-aplay sa lokal na programa

Mga Frequently Asked Question kung nakapag-aplay ka na sa lokal na programa ng San Francisco para sa tulong sa upa

May aplikasyon na ako sa California COVID-19 Rent Relief Program (housingiskey.com), kailangan ko bang mag-aplay ulit para makakuha ng hanggang 18 buwan na tulong?

Hindi. Kung nakapag-aplay ka na sa programa ng estado, hindi mo na kailangang mag-aplay ulit. Ang lokal na programa ay nakikipag-ugnayan sa programa ng estado para matiyak na ang lokal na impormasyon ng aplikasyon ng sinumang mga aplikante ng lokal na programa na nag-aplay na sa programa ng estado ay maipapadala sa California COVID-19 Rent Relief Program. Maaari kang tumawag sa 833-430-2122 para humiling ng hanggang 18 buwan na tulong sa upa, kasama na ang inaasahang tulong sa upa at tulong sa utility

Sa lokal na programa lang ako nag-aplay dahil hindi ko kailangan ng tulong para sa Abril 2020 – Marso 2021, paano ako makakakuha ng tulong para sa Abril 2021 pababa?

Kokontakin ka ng isa sa mga community partner ng lokal na programa para tulungan ka sa proseso ng aplikasyon. Ang lahat ng tulong na kailangan mo ay puwede mong matanggap mula sa California COVID-19 Rent Relief Program, o kaya naman ay mula sa programang iyan at sa aming lokal na programa

 

Ano ang status ng aplikasyong isinumite ko sa lokal na programa?

Kung napili ka ng aming lokal na programa para sa tulong sa upa, uunahin ka ng California COVID-19 Rent Relief Program. Ang lahat ng tulong na kailangan mo ay puwede mong matanggap mula sa California COVID-19 Rent Relief Program, o kaya naman ay mula sa programang iyan at sa lokal na programa

Kung nakikipagtulungan ka na sa isa sa mga community partner ng lokal na programa para makumpleto ang aming proseso sa pag-aaplay, patuloy na makipagtulungan sa kanila. Kontakin sila kung may mga tanong ka.

Kung hindi ka pa nakontak ng isa sa mga community partner ng lokal na programa, kokontakin ka nila para tulungang makumpleto ang proseso sa pag-aaplay para sa California COVID-19 Rent Relief Program (housingiskey.com).

Kailangan ko bang mag-aplay sa California COVID-19 Rent Relief Program para makatanggap ng tulong sa upa at mga utility?

Kung nag-aplay ka sa lokal na programa, ang mga ka-partner naming organisasyon ay nakikipag-ugnayan sa programa ng estado para matiyak na ang lokal na impormasyon ng aplikasyon ng sinumang mga aplikante ng lokal na programa na nag-aplay na sa programa ng estado ay maipapadala sa California COVID-19 Rent Relief Program. Pagkatapos, tatapusin ng programa ng estado ang pagpoproseso sa aplikasyon mo. Kung kailangan mo ng tulong na higit kaysa sa halagang orihinal mong hiniling, maaari kang tumawag sa 833-430-2122 para humiling ng hanggang 18 buwan na tulong sa upa, kasama na ang inaasahang tulong sa upa at tulong sa utility.

Gaano katagal bago makatanggap ng tulong?

Ipoproseso ng California COVID-19 Rent Relief Program ang lahat ng aplikasyon sa loob ng 4-5 linggo, kaya mag-aplay na agad kung hindi ka pa nag-aaplay.

Nakikipagtulungan na ako sa isang case manager ng lokal na programa para makakuha ng tulong sa upa para sa Abril 2021 pababa, makakakuha ba ako ng tulong mula sa lokal na programa at programa ng estado?

Oo, kuwalipikado ka para sa hanggang 18 buwan na tulong mula sa estado at lokal na mga programa. Kung may babayaran ka pang upa mula Abril 2020 hanggang Marso 2021 o kung kailangan mo ng tulong sa pagbabayad ng mga utility, puwede kang mag-aplay sa programa ng estado, kung hindi mo pa nagagawa ito.

Nag-aplay na ako sa lokal na programa at napili para sa tulong; pero matagal na akong naghihintay makakuha ng tulong, ano ang status ng aplikasyon ko?

Tingnan ang sagot sa naunang tanong. 

Nag-aplay na ako sa lokal na programa pero hindi pa nakatanggap ng update, ano ang status ng aplikasyon ko?

Lahat ng kuwalipikadong sambahayan na nag-aplay sa lokal na programa ay uunahin para sa hanggang 18 buwan na tulong kapag nag-aplay rin sa California COVID-19 Rent Relief Program.

Kung nakikipagtulungan ka na sa isang community partner ng lokal na programa para makumpleto ang proseso ng pag-aaplay, patuloy na makipagtulungan sa kanila. Kontakin sila kung may mga tanong ka.

Kung hindi ka pa nakontak ng isang community partner ng lokal na programa, kokontakin ka nila para tulungang makumpleto ang proseso ng pag-aaplay para sa California COVID-19 Rent Relief Program (housingiskey.com).

Kung nag-aplay ka na sa California COVID-19 Rent Relief Program, maaari kang tumawag sa 833-430-2122 para humiling ng hanggang 18 buwan na tulong para sa upa, kasama na ang inaasahang tulong sa upa at tulong sa utility.

Kailangan ko bang mag-umpisa ulit sa pag-aaplay sa programa ng estado kung sa lokal na programa lang ako nag-aplay?

Kokontakin ka ng isang community partner ng lokal na programa para tulungan ka sa proseso ng aplikasyon. Kapag nag-register ka at kinumpirma ang registration mo sa California COVID-19 Rent Relief Program, puwede mong isama ang isang community partner ng lokal na programa bilang awtorisadong user para makumpleto ang aplikasyon. Kokontakin ka ng isang lokal na community partner para tulungan kang mag-register at kumpirmahin ang registration mo. Maaari ka ring mag-aplay nang direkta sa housingiskey.com.

Uunahin ba ang aplikasyon ko sa California COVID-19 Rent Relief Program kung nag-aplay ako sa lokal na programa?

Oo! Pursigido ang California COVID-19 Rent Relief Program na unahin ang mga aplikasyon sa lokal na programa at lubusang iproseso ang mga ito sa loob ng 4-5 linggo

Gusto ko nang makatanggap agad ng tulong sa upa dahil hindi ko nabayaran ang landlord ko ng 25% ng upa mula Setyembre 1, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021 – at kailangan kong magbayad bago ang Setyembre 30. Ano ang gagawin?

Kung hindi ka nagbayad ng 25% ng upa para sa period ng Setyembre 2020 – Setyembre 2021, kumontak pagsapit sfrenthelp@evictiondefense.org ng Setyembre 30. Ang 25% ay katumbas ng 3.25 na mga buwan ng upa. Kapag nagbayad ka sa Setyembre 30 ng di-bababa sa 25% ng upa para sa period na ito, hindi ka puwedeng paalisin dahil sa anumang di-bayad na upa sa period na iyon. Para sa higit pang impormasyon, mag-click dito.                                                                          

Kung nakatanggap ka ng 15-day notice, tiyaking pirmahan at ibalik ang naka-attach na deklarasyon bago mag-expire ang notice.

Kung nakatanggap ka ng anumang papel na nagpapaalis sa iyo (mga dokumentong naglalaman ng mga salitang gaya ng "summons" o "complaint" o "unlawful detainer"), kumontak agad sa legal@evictiondefense.org o sa 415-659-9184.

Last updated September 16, 2021