Tungkol sa programang Accessible Business Entrance (ABE)

Tinitiyak ng programang ABE na malugod na tinatanggap ng mga negosyo sa San Francisco ang lahat.

Tungkol sa ABE

Tinitiyak ng programang Accessible Business Entrance na malugod na tinatanggap ng mga negosyo sa San Francisco ang lahat.

Tumutulong ito sa mga may-ari ng ari-arian na sundin ang mga batas sa accessibility nang sa gayon ang mga taong may kapansanan ay magkaroon ng mga access sa mga produkto at serbisyo.

Kung ang isang gusali ay may negosyo na nagsisilbi sa publiko, ang may-ari ng ari-arian ay dapat magbigay ng pangunahing entrance na maa-access ng mga taong may kapansanan.

Ang lahat ng gusali ay dapat magsumite ng checklist bago ang Hunyo 30, 2022.

Mga accessible na entrance ng negosyo

Ang isang accessible na entrance ng negosyo ay walang hahakbangan, dalusdos, mabibigat na pinto o iba pang harang, gaya ng mga pasukan na masyadong makitid para sa isang wheelchair o mobility scooter.

Background

Noong 2016, ipinasa ng Board of Supervisors ng San Francisco ang Ordinance No. 51-16, o ang Mga Mandatoryong Pagpapahusay para sa Access ng mga May Kapansanan. Noong Setyembre 2021, nasusog ang batas.

Inaatas ng batas sa mga may-ari ng ari-arian at nangungupahan na gawing pisikal na accessible ang mga entrance ng kanilang negosyo. Ang batas na ito ay tumutulong sa mga may-ari ng ari-arian at sa kanilang mga nangungupahan na magkaroon ng access sa kanilang negosyo hangga´t maaari.

Ang batas na ito ay karagdagan sa mga inaatas sa accessibility ng estado at Pederal na dapat matugunan ng mga may-ari ng ari-arian sa ilalim ng Pamagat III ng Americans with Disabilities Act.

Paglilingkod sa publiko

Kabilang sa programang ABE ang mga negosyo na naglilingkod sa publiko.

Ang mga negosyong nagsisilbi sa publiko ay mga lugar kung saan papasok sa isang gusali ang publiko para bumili ng mga produkto o serbisyo. 

Kabilang dito ang (pero hindi limitado sa):

  • Mga Bangko
  • Mga Club ng Kalusugan
  • Mga opisina
  • Mga Bar at Restaurant
  • Mga Hotel
  • Mga Teatro
  • Mga Grocery at Retail Store
  • Mga Hair Stylist
  • Mga Medikal na Tanggapan
  • Mga Daycare Center

Pagsunod

Bilang pagsunod sa ABE, kailangan mong gawin ang 1 sa mga sumusunod:

  • Mag-request ng exemption
  • Sabihin mo sa amin na nagawa mo nang accessible ang iyong entrance
  • Ipasuri ang iyong entrance at gawin itong accessible

Pumunta sa seksyong "Pumili ng iyong proseso" sa pangunahing page ng ABE para matutunan kung alin ang naaangkop sa iyo at kung anong mga hakbang ang gagawin.

Mga Exemption

Maaari kang mag-request ng exemption mula sa programang Accessible Business Entrance kung ikaw ay:

  • Panrelihiyong organisasyon
  • Pribadong club
  • Hindi isang lugar ng pampublikong tirahan
  • Bagong tayong gusali na may building permit form (Form 1 /2) na isinumite noong Enero 1, 2002 o pagkatapos nito

Puwede ka ring mag-request ng exemption kung ang ari-arian mo ay:

  • Residensyal na gusali
  • Yunit para sa paninirahan/pagtatrabaho
  • Komersyal na condo sa itaas ng ground floor

Iba pang konsiderasyon sa accessibility

Ikaw rin ang may pananagutan na sundin ang iba pang aspeto ng Pamagat III ng ADA. Tingnan ang aming patnubay mula sa Opisina ng Maliliit na Negosyo tungkol sa paano susunod sa Pamagat III ng ADA.

Last updated December 10, 2021