Magpabakuna laban sa COVID-19

Ang mga bakuna ay bukas sa sinumang 6 na buwang gulang at mas matanda.

Anong gagawin

Lubos na epektibo ang mga bakuna at booster para maiwasan ng mga taong magkaroon ng matinding sakit o mamatay dahil sa COVID-19.

Binabawasan din ng mga ito ang panganib ng pagkakaroon ng mahabang Covid.

Manatiling up-to-date sa mga bakuna

  • Hindi na available ang mga pangunahing serye (monovalent) ng mga bakunang Pfizer at Moderna na ginamit mula 2020 hanggang Marso 2023. Sa halip, ang lahat ng bakunang Pfizer at Moderna ay bivalent (may 2 strain ng virus) at nagbibigay ng proteksyon laban sa mga strain ng COVID-19 virus na mas kamakailan lang na naging aktibo.
  • Dapat makatanggap ng dosis ng bivalent na bakuna ang lahat ng nasa 6 na taong gulang pataas, kung wala pa sila nakakatanggap nito.
  • Maaaring makatanggap ng isang karagdagang dosis ang mga taong nasa 65 taong gulang pataas na nakatanggap ng isang dosis ng bivalent na bakuna, nang hindi bababa sa 4 na buwan pagkatapos ng kanilang paunang dosis.
  • Maaring piliin ng mga taong may mahihinang immune system na nakatanggap na ng bivalent na bakuna na makatanggap ng isang karagdagang dosis, nang hindi bababa sa 2 buwan pagkatapos ng kanilang paunang dosis. Para sa mga taong may mahihinang immune system na nasa pagitan ng 6 na buwan at 5 taong gulang, nakadepende sa bakunang dati nilang natanggap ang kanilang pagiging kwalipikado para sa mga karagdagang dosis.
  • Dapat makatanggap ng isa hanggang dalawang dosis ng bivalent na bakuna ang mga batang nasa 6 na buwan hanggang 5 taong gulang na nakatanggap na ng isa, dalawa, o tatlong dosis ng monovalent na bakuna. Nakadepende ang bilang ng mga dosis na inirerekomenda sa kung aling bakuna ang natanggap na nila at bilang ng mga dosis na natanggap na.

Kung hindi ka pa nababakunahan

  • Dapat makatanggap ng isang dosis ng bivalent na bakuna ang lahat ng nasa 6 na taong gulang pataas na hindi pa nababakunahan. Hindi kinakailangan ang maraming dosis, maliban sa inirerekomenda sa mga taong may mahihinang immune system na tumanggap ng karagdagang dosis ng bivalent na bakuna nang hindi bababa sa 2 buwan pagkatapos ng unang dosis, at maaaring piliin ng mga taong nasa 65 taong gulang pataas na tumanggap ng karagdagang bivalent na dosis nang hindi bababa sa 4 na buwan pagkatapos ng unang dosis.
  • Ang mga batang nasa 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang na kasalukuyang hindi pa nababakunahan ay maaaring tumanggap ng alinman sa:
    • Dalawang dosis na serye ng bivalent na bakunang Moderna
    • Tatlong dosis na serye ng bivalent na bakunang Pfizer
  • Maaaring tumanggap ng dalawang dosis ng bivalent na bakunang Moderna o isang dosis ng bivalent na bakunang Pfizer ang mga batang nasa 5 taong gulang at kasalukuyang hindi pa nababakunahan.

Matuto pa tungkol sa mga bakuna at booster

Saan pupunta

Sa iyong doktor o grupo ng pangangalagang pangkalusugan

Magtakda ng oras sa iyong doktor o grupo ng pangangalagang pangkalusugan.

Sa ganitong paraan natatanggap ng karamihan ng tao sa San Francisco ang kanilang mga bakuna.

Ang malalaking sistema sa kalusugan at ilang klinika ay may mga site para sa bakuna na makakatanggap ng mas maraming tao.

Isang malapit na botika

Maaari ka ring pumunta sa malapit na botika. Marami ang tumatanggap ng mga drop in.

Maaaring hilingin sa iyong magbigay ng patunay ng insurance.

Kahit na wala kang insurance, bibigyan ka pa rin ng mga botika ng bakuna o booster.

Isa sa aming mga affiliated na site

Kung ikaw ay:

  • Walang insurance
  • Miyembro ng San Francisco Health Network
  • Nahirapang makakuha ng access sa mga bakuna

Pumunta sa isa sa aming mga affiliated na lugar ng pagbabakuna.

Humingi ng tulong

Tulong sa My Turn

Tawagan ang My Turn sa 1-833-422-4255 o bumisita sa myturn.ca.gov para mag-book ng appointment o humanap ng walk-in na site malapit sa iyo.

Last updated May 19, 2023