Anong gagawin
Alamin kung maaari kang magpagamot
Maaari kang maging kwalipikado para sa paggamot kung mayroon kang mataas na panganib sa malubhang karamdaman mula sa Covid. Halimbawa, ikaw ay:
- 50 taong gulang o mas matanda
- Buntis
- Hindi pa nababakunahan o hindi pa kumpleto ang bakuna
- 12 taong gulang o mas matanda at mayroon nitong mga karaniwang medikal na kundisyon
Kabilang sa mga karaniwang medikal na kundisyon ang. ngunit hindi limitado sa, mga bagay tulad ng pagiging sobra sa timbang o hindi aktibo, pagkakaroon ng mga sakit na nauugnay sa alak o droga, problema sa immune system, kanser, diyabetes, o kundisyong nauugnay sa iyong puso, bato, utak, o kalusugan ng pag-iisip.
Magpasuri
Magpasuri kaagad kung nagkaroon ka ng close contact sa isang taong may Covid o kung mayroon kang mga sintomas tulad ng:
- Ubo
- Lagnat
- Pananakit ng kalamnan
Ang karamihan ng gamot ay kailangang gamitin sa loob ng 5 araw mula nang unang sumama ang pakiramdam.
Kung magnegatibo ka sa pagsusuri ngunit masama ang iyong pakiramdam at ikaw ay nasa mataas na panganib sa malubhang karamdaman, muling magpasuri sa loob ng 12 hanggang 24 na oras. Mahalaga ito lalo na kung kamakailan kang gumugol ng oras nang walang mask kasama ang isang taong may Covid.
Makipag-usap kaagad sa isang doktor
Kung nagpositibo ka, makipag-usap sa isang doktor sa lalong madaling panahon. Ang karamihan ng gamot ay kailangang gamitin sa loob ng 5 araw na sumama ang pakiramdam.
Gumamit ng mga online na pagpapatingin o pagpapatingin sa telepono sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kaya mo. Marami ang nag-aalok ng mga remote na serbisyong ito 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo. Suriin ang iyong insurance card. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa mga sentro ng agarang pangangalaga sa iyong lugar.
Maaaring direktang maihatid ng mga parmasya ang mga gamot na ito sa iyong bahay.
Sulitin ang mga serbisyong ito. Nakakatulong ito na limitahan ang pagkalat ng virus.
Libre ang lahat ng gamot sa Covid-19.
Magpasuri at magpagamot nang libre sa isang site ng Pagsusuri para sa Pagpapagamot
Magpasuri at magpagamot, insured man o hindi, nang walang bayad. Kung may insurance ka, dalhin ang impormasyon na iyon at ang iyong ID.
Mga lokasyon ng Pagsusuri para sa Pagpapagamot sa San Francisco
Carbon Health
Magpaiskedyul ng appointment o tumawag sa isa sa mga sumusunod na lokasyon.
Sa Stonestown Mall
Sa Irving Street sa 22nd Avenue
Sa Market Street sa Dolores
Sa Spear Street sa Folsom
Carbon Health
Magpaiskedyul ng appointment o tumawag sa isa sa mga sumusunod na lokasyon.
CVS pharmacy sa 1900 19th Avenue
Site ng Pederal na Pagsusuri para sa Pagpapagamot. Magpaiskedyul ng appointment.
Go Health
Site ng Pederal na Pagsusuri para sa Pagpapagamot.
Mag-iskedyul ng appointment o tumawag sa isa sa mga sumusunod na lokasyon:
Lombard Street at Pierce
Castro District on Market Street at 16th Street
Market on Market St. at Franklin St
Cole Valley on Cole St. at Parnassus Ave
Portal on W Portal at 14th Ave
Glen Park on Diamond St. at Bosworth St
North East Medical Services
Mga site ng Pederal na Pagsusuri para sa Pagpapagamot. Matuto pa o tumawag. Dapat maging miyembro.
Unidos en Salud /United in Health
24th Street at Capp
Drop in Mon, Fri, Sat 9am-3:45pm
Unidos en Salud /United in Health
24th Street at Capp
Drop in Mon, Fri, Sat 9am-3:45pm
Unidos en Salud /United in Health
24th Street at Capp
Drop in Mon, Fri, Sat 9am-3:45pm
Mga taong may Medi-Cal
Ang mga miyembro ng Medi-Cal ay may mga libreng pagpapatingin sa telepono sa isang doktor 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
San Francisco Health Plan
Magsimula ng online na pagpapatingin o tumawag.
Anthem Blue Cross
Magsimula ng online na pagpapatingin o tumawag sa 888-LiveHealth.
Mga karaniwang sistema ng pangangalagang pangkalusugan
Maaaring isa kang pasyente sa isa sa mga karaniwang sistema sa kalusugan na ito at maaari ka ring makipag-ugnayan sa kanila tungkol sa iyong paggamot.
Dignity Health
Magpaiskedyul ng appointment o tumawag.
Kaiser Permanente
Tawagan ang linya ng Agarang Pagpapayo. Mga miyembro rin ng Medi-Cal.
San Francisco Health Network
Para sa mga taong mayroon o walang insurance.
Sutter Health, CPMC
Magsimula ng online na pagpapatingin o tumawag.
UCSF
Makipag-ugnayan sa iyong doktor o tumawag.
Kung wala kang insurance
Tawagan ang San Francisco Health Network para as paggamot at upang malaman kung kwalipikado ka para sa Healthy San Francisco at Medi-Cal.
San Francisco Health Network
O gumamit ng site ng Pagsusuri para sa Pagpapagamot.
Ilang 24 na oras na online na opsyon
Available ang mga online na appointment sa lahat ng oras, at maaaring may ilang gastusin mula sa sariling bulsa sa mga ito.
Kunin ang iyong reseta
Kung mayroon ka nang reseta, maaari kang pumunta sa anumang botika ng CVS, Walgreens, o Safeway upang kunin ito. Hanapin ang pinakamalapit na lokasyon.
Pumunta sa emergency room o tumawag kaagad sa 911 kung mayroon kang malulubhang sintomas ng COVID-19 kabilang ang nahihirapang huminga, pananakit ng dibdib, bagong pagkalito, kawalan ng kakayahang manatiling gising, o mapuputlang labi, mata, o kuko.
Patnubay para sa mga provider
Tingnan ang patnubay sa therapeutics sa COVID-19.
Last updated August 29, 2022