Inihahandog ng Komisyon sa Karapatan ng mga Imigrante (Immigrant Rights Commission) ang espesyal na pagdidinig sa mga paghahanda ng komunidad ng mga Imigrante para sa bagong Pederal na Administrasyon. Samahan ang Komisyon sa Room 416 ng San Francisco City Hall sa Lunes, Enero 13, 2025 sa 5:30 pm.
Sa pagdidinig na ito, pag uusapan ng mga kasamahan sa Lungsod at Komunidad ang mga plano ng bagong pederal na administrasyon para sa mga tuntunin at mga ipatutupad tungkol sa imigrasyon, ang magiging bunga nito para sa San Francisco, at ang mga hakbang na ginagawa ng Lungsod at komunidad para ihanda ang ating mga komunidad upang sa halip na mag kagulo (panic) ay mas palakasin pa ito.
Ang mga miyembro ng publiko at mga apektadong indibidwal ay hinihimok na dumalo.
Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagsasalin wika, mangyari po lamang mag email sa: civic.engagement@sfgov.org.