View source data
Galing sa California Immunization Registry (CAIR2) ang data. Ang CAIR2 ay pinamamahalaan ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng California.
Ang mga residente ng San Francisco na ang pinakahuling dosis ng bakuna ay pinangangasiwaan ng isang California provider na nag-uulat sa CAIR2 ay kasama sa data na ito. Lahat ng bakuna na ibinigay sa mga residente ng SF ay kasama, kahit na natanggap nila ang kanilang bakuna sa ibang lugar sa California. Ang mga taong hindi nakatira sa San Francisco ay hindi kasama, kahit na natanggap nila ang kanilang mga bakuna sa COVID-19 mula sa isang provider sa San Francisco.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging up to date sa inyong bakuna sa COVID-19, pakisuri ang mga pamantayang itinakda ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California.
Ang impormasyon tungkol sa populasyon ay mula sa mga 5-taong pagtatantya ng American Community Survey (ACS, Survey sa Komunidad sa Amerika) ng 2022. Ibinibigay ng U.S. Census Bureau ang data na ito.
Ginagamit namin ang data na ito upang matantya ang porsyento ng bawat grupo ng SF na up to date sa kanilang mga pagbabakuna sa COVID-19.
Mga Disclaimer
Tinatantya ng ACS ang bilang ng mga residente sa bawat lahi o grupo ng etnisidad batay sa survey ng mga residente. Posibleng hindi tumpak ang mga pagtatantya, lalo na para sa mga pangkat na may mas maliliit na populasyon.
Kung ang tunay na populasyon ay mas malaki kaysa sa ginagamit naming pagtaya, mas mababa ang tunay na rate ng bakuna kaysa sa iniuulat namin dito. Malamang na totoo ito para sa mga grupong nagpapakita ng mas malaking bilang ng mga nakatanggap ng bakuna kaysa sa tinantyang bilang ng mga residente. Dahil dito, ang porsyento ng mga residenteng up to date ay isang pagtatantya lamang at ang mga porsyento ay hindi maiuulat sa itaas ng 90%.
Ang mga healthcare provider ay maaaring mag-ulat ng lahi o etnisidad na naiiba kaysa sa kung paano sila tinukoy ng ACS. Isa pa, posibleng iba ang pagtukoy ng mga indibidwal sa kanilang lahi o etnisidad sa kanilang sagot sa census sa kung paano nila iniuulat ang kanilang lahi o etnisidad sa kanilang tagapangalaga ng kalusugan. Malamang na ang pinakamalalaking pagkakaiba ay nasa kahulugan ng mga kategorya ng "multi-racial" at "iba pa." Dahil sa rason na ito, hindi iniuulat ang mga pangkat na ito sa tsart, ngunit makikita pa rin ang datos sa: talahanayan sa ilalim ng tsart, at sa bukas na data portal ng San Francisco (i-click ang "Tignan ang source data" sa itaas).
Mag-ingat sa pag-unawa sa data na ito.