Anong gagawin
Mga Equity Applicant, Equity Incubator, o dati pang negosyo ng cannabis lang ang maaaring mag-apply para sa permit sa ngayon.
Padadalhan ka ng Office of Cannabis ng link sa form, kung kwalipikado kayo.
Sa form, tatanungin namin kayo tungkol sa mga sumusunod.
Patunay na kaya ninyong magpatakbo sa inyong lokasyon
- Liham ng layunin, inyong pagpapaupa, o inyong kasulatan
- Liham mula sa inyong landlord na nagbibigay sa inyo ng malinaw na pahintulot para sa inyong mga nilalayong aktibidad tungkol sa cannabis
- Impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng inyong landlord
Impormasyon ng negosyo
- Numero ng Pagkilala ng Lokasyon
- Numero ng Account ng Negosyo
Istruktura ng negosyo
- Mga dokumento ng negosyo mula sa applicant
- Mga dokumento ng negosyo mula sa iba pang namumuhunang negosyo, kung naaangkop
- Mga dokumento ng pagbuo (tulad ng pahayag ng impormasyon o mga artikulo ng organisasyon)
- Mga kasunduan sa pagpapatakbo (para sa mga LLC)
- Mga alituntuning panloob (para sa mga C na korporasyon)
- Kasunduan sa Equity Incubation, kung naaangkop
Mga may-ari
- Mga pagsusuri ng background ng LiveScan
- Pagsisiwalat ng pagmanay-ari
- Pagsisiwalat ng mga may hawak ng pinansyal na interes, kung naaangkop
Iba pang permit, kung naaangkop
- Mga lokal na permit
- Mga lisensya mula sa estado
- Mga partikular na pahintulot (tulad ng mga permit sa pagkonsumo)
Pagkatapos ninyong mag-apply
Susuriin ng Office of Cannabis ang inyong iminungkahing lokasyon at ang mga background ng inyong mga may-ari.
Espesyal na mga kaso
Storefront retail with consumption
Storefront retail with consumption
You have to build out different features depending on how much you will prepare your products.
Get a consultation for your cannabis consumption lounge plans.
Humingi ng tulong
Last updated June 30, 2022