Serbisyo para makaboto ang mga botanteng hindi makaalis sa bahay at naospital

Alamin ang mga paraan kung paano makakuha at makapag-balik ng balota kung hindi ninyo kayang bumiyahe.

Kumuha ng balota

Regular na pagpapadala sa koreo ng balota

Nagpapadala na kami ng balota sa pamamagitan ng koreo sa lahat ng lokal na botante bawat eleksyon. Maaari ding ma-download at mamarkahan ng sinumang lokal na botante ang kanilang balota gamit ang sistema ng aksesibleng vote-by-mail.

Paghahatid ng pamalit na balota sa botante

Maaari kayong humiling na mapadalhan ng pamalit na balota sa pansamantalang address, tulad ng sa isang pasilidad sa pagaaruga. Para magawa ito, gamitin ang Voter Portal o tawagan kami sa 415-554-4310.

Pamalit na balota sa ikatlong partido

Maaari ninyong payagan ang ibang tao na kumuha ng pamalit na balota para sa inyo. Para gawin ito, ipadala ninyo sa kanila ang isang form para Hilingin ang Pagkuha ng Balota sa Sentro ng Botohan sa City Hall.

Paghahatid ng balota sa panahon ng emerhensiya

Maaaring humiling ang mga botante na hindi makabiyahe ng pang-emerhensiya na serbisyo sa paghahatid ng balota sa huling linggo ng panahon ng pagboto. Upang hilingin ang serbisyong ito, tumawag sa 415-554-4310 o mag-email sa amin.

Pagbalik ng inyong balota

Alamin ang tungkol sa mga paraan upang ibalik ang inyong balota sa pamamagitan ng koreo o sa personal.

Kung hindi ninyo kayang ibalik ang inyong balota, maaari ninyong pahintulutan ang ibang tao na ibalik ito para sa inyo. Upang gawin ito, kompletuhin ang seksyon ng awtorisasyon sa inyong pambalik na sobre. Maaari din kayong tumawag sa 415-554-4310 o mag-email sa amin upang hilingin sa aming kawani na kunin ang iyong balota.

Abiso para sa mga humahawak ng balota ng ibang tao

May karapatang bumoto ng isang lihim na balota ang bawat botante. Kung hawak ninyo ang balota ng isa pang botante, hindi kayo maaaring magsabi sa kanila kung paano bumoto o gumawa ng mga mungkahi. Makatutulong lamang kayo sa pamamagitan ng pagkuha, pagmamarka, o pagbabalik ng kanilang balota.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated September 16, 2024