Sabihin mo sa amin na nagawa mo nang accessible ang entrance ng iyong pangunahing negosyo

Kung nagsagawa ka na ng konstruksyon bilang pagsunod sa programang Accessible Business Entrance (ABE), mag-request ng waiver.

Anong gagawin

1. Tingnan kung karapat-dapat ka para sa waiver

Maaari kang mag-apply para sa isang waiver mula sa programang ABE kung nagawa mo nang accessible ang iyong entrance.

2. Punan ang form

Punan ang lahat ng 3 seksyon ng waiver form para ipaalam sa amin na mayroon kang accessible na entrance o hindi kailangang gawing accessible ang iyong entrance.

Seksyon 1: Pang-administratibong impormasyon

Isama ang:

  • Block/lot number
  • Address ng gusali
  • Pangalan ng may-ari at impormasyon sa pakikipag-ugnayan
  • Pangalan ng nangungupahan/ahente at impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Seksyon 2: Waiver ng kinakailangan para sa pagsusumite ng checklist

Kumpirmahin na ang entrance ng iyong gusali ay sumusunod sa mga inaatas ng ABE. Isama ang iyong:

  • Aplikasyon para sa building permit 
  • Address ng gusali

Seksyon 3: Lagda

Lagdaan at lagyan ng petsa ang form. Lagyan ng tsek ang kahon na pinakamainam na naglalarawan ng iyong kaugnayan sa ari-arian.

3. Isumite ang iyong waiver

Isumite ang inyong form online.

In-Person

In-Person

Magdala ng naka-print na kopya ng iyong nasagutang form sa:

Key Programs Desk
Department of Building Inspection
49 South Van Ness Avenue, 2nd Floor
San Francisco, CA 94103

Mail

Mail

Ipadala sa koreo ang nakalimbag na kopya sa:

Disability Access Compliance Unit
Department of Building Inspection
49 South Van Ness Avenue, Suite 500
San Francisco, CA 94103

Humingi ng tulong

Phone

Technical Services Division ng DBI

Department of Building Inspection

Technical Services Division
49 South Van Ness Avenue
Pangalawang palapag
San Francisco, CA 94103

Last updated August 29, 2022