Mag-request ng exemption mula sa programang Accessible Business Entrance

Tingnan kung kwalipikado ka para sa exemption at isumite ang iyong request.

Anong gagawin

1. Tingnan kung karapat-dapat ka para sa exemption

Maaari kang mag-request ng exemption mula sa mga kinakailangang ito kung ikaw ay:

  • Organisasyon ng relihiyon (isang lugar na pag-aari ng o ipinaparenta sa isang organisasyon ng relihiyon na nagsisilbi sa publiko)
  • Pribadong club (isang nonprofit na organisasyon na may proseso sa pagpili ng miyembro kung saan hindi kasama ang pangkalahatang publiko sa mga aktibidad nito)
  • Hindi isang lugar para sa pampublikong akomodasyon (hindi ka nag-aalok ng mga produkto o serbisyo sa publiko nang libre o nang may bayad)
  • Bagong tayong gusali na may building permit form (Form 1 /2) na isinumite noong Enero 1, 2002 o pagkatapos nito

Puwede ka ring mag-request ng exemption kung ang ari-arian mo ay:

  • Residensyal na gusali
  • Yunit para sa paninirahan/pagtatrabaho
  • Komersyal na condo sa itaas ng ground floor

2. Punan ang form

Punan ang lahat ng 3 seksyon ng form ng paunang screening para i-request ang iyong exemption.

Seksyon 1: Pang-administratibong impormasyon

Isama ang:

  • Block/lot number
  • Address ng gusali
  • Pangalan ng may-ari at impormasyon sa pakikipag-ugnayan
  • Pangalan ng nangungupahan/ahente at impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Seksyon 2: Mga Exemption

Ipinapaliwanag sa Seksyon 2 ang bawat isa sa 4 na exemption.

Dapat mong ibigay ang impormasyong ito para mapatunayan ang iyong pagiging kwalipikado:

  • Tax-exempt status at address para sa mga organisasyong pangrelihiyon o pribadong club
  • Address ng gusali para sa mga establisamiyentong hindi mga lugar para sa pampublikong akomodasyon
  • Ang iyong building permit application number na isinumite noong Enero 1, 2002 o pagkatapos nito para sa mga bagong tayong gusali

Seksyon 3: Lagda

Lagdaan at lagyan ng petsa ang form. Lagyan ng tsek ang kahon na pinakamainam na naglalarawan ng iyong kaugnayan sa ari-arian.

3. Isumite ang iyong request para sa exemption

Isumite ang inyong form online.

In-Person

In-Person

Magdala ng naka-print na kopya ng iyong nasagutang form sa:

Key Programs Desk
Department of Building Inspection
49 South Van Ness Avenue, 2nd Floor
San Francisco, CA 94103

Mail

Mail

Ipadala sa koreo ang nakalimbag na kopya sa:

Disability Access Compliance Unit
Department of Building Inspection
49 South Van Ness Avenue, Suite 500
San Francisco, CA 94103

Humingi ng tulong

Phone

Technical Services Division ng DBI

Department of Building Inspection

Technical Services Division
49 South Van Ness Avenue
Pangalawang palapag
San Francisco, CA 94103

Last updated March 21, 2022